Wednesday, June 8, 2011

CHAPTER 37

"Carmela," nagulat ako nang makita ko si Carmela na nasa sala, nakaupo at nasa tabi ni Tito Arturo. Nanlilisik ang aking mga mata habang tinitingnan siya at parang natulala na ako.

"Nandito ka na pala, Isabel," sabi ni Tito Arturo. Hindi ako makasagot sa bati niya. Multo ba ang nakikita ko sa likuran niya o si Carmela talaga. Tumingin si Tito Arturo kay Carmela at bumalik siya ng tingin sa akin. "Aaah, Isabel nagbalik na pala si Carmela," sabi niya na may galak sa kanyang mukha. Totoo nga talaga. Hindi ako makapaniwala na buhay pa pala siya, di ba't narinig ng dalawang tenga ko mula kay mama na wala na siya. Paanong nangyari ito? Halos hindi ako makagalaw habang minamasdan siya. "Isabel, okay ka lang?"

"Okay lang po ako, baka pagod lang ako," mahinang sagot ko kay Tito Arturo. "Tito, aakyat muna ako doon sa itaas." Hinay-hinay akong pumanhik sa itaas at pumasok sa silid ko. Isinirado ko ang pinto at ni-lock. Napaupo ako sa kama. Bakit ngayon pa siya dumating ngayong nagsisimula na kaming magkalapit ni Christian? Napatayo ako sa kama at lumakad-lakad at pabalik dahil sa kabang nadarama ko. Tatanungin ko si mama kung paano nangyari ito. Dali-daling binuksan ko ang pinto at pagbukas ay si mama ay nasa pintuan na pala. "Mama."

"Papasukin mo ako, dali," utos niya sa akin. Pinapasok ko si mama sa loob at isinirado ang pintuan.

"Mama, paano po nangyari iyon na buhay si Carmela?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Di ba, narinig ng dalawang tenga ko na wala na siya, na pinapatay niyo siya. Bakit nandito siya at kasa-kasama ni Tito Arturo?"

"Hindi ko alam, Isabel," pasigaw na sagot ni mama. "Basta ang alam ko pinapatay ko siya at narinig ko pa ang tunog ng baril." Napansin ko rin kay mama na halatang gulat na gulat siya't hindi rin makapaniwala sa kanyang nakita.

"Anong gagawin natin, mama?"

"Hindi ko alam," sagot niya. "Umarte ka muna na parang walang nangyari." Nagpalakad-lakad muna nang sandali si mama hanggang sa may itinanong siya ulit sa akin. "Teka muna, nagawa mo ba iyung sinabi ko sa iyo?"

"Oo," simpleng sagot ko sa kanya.

"Mabuti kung ganoon," napatigil siya sa kanyang kalakad-lakad. "Dapat mo munang siguraduhin na hindi magkikita sina Christian at Carmela. Gawin mo ang lahat upang di mangyari iyon. Binuksan ni mama ang pinto at saka lumabas. Maya-maya pa ay lumabas na ako at bumaba. Pumunta ako sa hapag-kainan kung saan nandoon si Tito Arturo, si mama, si Carmela at isang lalaki na hindi ko kilala. Sa harapan ko, nakaupo si Carmela at bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan. Habang tinitingnan ko siya, sa loob ko, may pagkabahala at takot pa rin rito.

"Isabel," tinawag ako ni Tito Arturo.

"Ano po iyon?"




"Saan ka pala galing kanina?"

No comments:

Post a Comment