Thursday, June 16, 2011

CHAPTER 38

"Saan ka pala galing kanina?" tanong sa akin ni Tito Arturo. Kinabahan ako sa tanong niya pero...

"Sa bahay ng kaibigan ko," pagsisinungaling ko sa kanya. Tumingin siya sa lalaking katabi ni Carmela.

"Iho," tawag niya sa lalaki. "Nagpapasalamat ako sa pagkupkop mo kay Carmela."

"Walang anuman iyon," sagot ng lalaki kay Don Arturo. "Ginagawa ko lang kung ano ang tama."

"Iho, may matutuluyan ka ba rito sa Maynila?"

"Meron po. Tutuloy muna ako sa tiyuhin ko." Nagpatuloy kumain si Tito Arturo ganun din si Carmela. Pagkatapos naming kumain, pumunta ang lahat sa sala. Sa pintuan ng sala...

"Carmela, magpapaalam na ako," sabi ng lalaki kay Carmela.

"Maraming salamat, Adrian, sa tulong mo."

"Walang anuman iyon," sagot naman ng lalaki. "Sige" At saka siya nagpaalam. Si Carmela naman ay lumapit kay Tito Arturo at umupo malapit sa kanya.

"Akala ko may nangyari sa iyo, Carmela," sabi ni Tito Arturo na naibsan na ang kanyang pag-aalala para kay Carmela na halos isang linggong nawala.

"Okay naman po ako, papa," sagot ni Carmela.

"Ano bang nangyari sa iyo?"

"Mahabang kwento po eh," sagot niya. "Pero isa lang ang natiyak ko po papa, dinukot po ako."

"Kilala mo ba ang dumukot sa iyo?"

"Hindi ko siya kilala," tumigil sandali si Carmela. "Pero nakita ko ang mukha niya." Tiningnan ko si mama at bakas sa kanya ang pagkatakot. Hindi niya maigalaw ang mga daliri niya pagkatapos marinig ang sinabi ni Carmela. "Papa, magpapahinga na po ako."

"O sige, magpahinga ka na," tumayo sina Tito Arturo at Carmela. Umakyat si Carmela at pumunta sa kanyang silid. Maya-maya, umakyat na rin si Tito Arturo. Kaming dalawa lang ni mama ang nasa sala.

"Mama," tinawag ko siya. "Anong gagawin natin?"

"Hindi ko alam," sagot niya. Tumahimik kami sandali at maya't maya pa ay sinabi ni mama sa akin na umakyat na ako at magpahinga. Umakyat ako sa itaas at pumunta sa aking silid. Pumasok ako at ini-lock ang pinto. Umupo sa kama sandali. Naisipan ko bigla na kunin ang cellphone ko at nagbabaka-sakaling may mensahe. Nang makuha ko na ang cellphone ko na nasa mesa, tiningnan ko kung may mensahe. May dalawang mensahe ang dumating at pareho na galing kay Christian. Sa una niyang mensahe:

Isabel, thank you pala kanina. Ngayon, okay lang ako?

Nang tingnan ko ang ikalawang mensahe.

Isabel, nandiyan na ba si Carmela? At nang binasa ko pa ang nasa ibaba. May nakalimutan ka pala rito sa bahay. Pupunta ako diyan mamayang gabi para ibalik ito sa iyo.





Lumabas ako dali-dali nang kwarto ko at pumunta sa labas ng bahay. Si Christian ay nasa labas ng gate, nakatayo na. Anong gagawin ko?

No comments:

Post a Comment