Thursday, June 2, 2011

CHAPTER 36

"Dito ka lang," hinawakan niya ang kamay ko at napaupo ako sa sofa. Ibig sabihin ba nito ay kailangan niya ako? "Hintayin mo munang maluto ang tanghalian baka kasi nagugutom ka na." Nagulat ako sa sinabi niya. Tanghalian? Akala ko pinigilan niya ako dahil kailangan niya ako pero ito. Ibinukas niya ang dalawang mata niya at tumingin siya sa akin. "Baka hindi ka pa nananghalian, Isabel." Hindi ako makapagsalita bagkus itinango ko na lamang ang ulo ko. Maya't maya ay tinawag na kami ng kasambahay ni Christian upang mananghalian. Pagkatapos naming mananghalian ay pumunta kaming dalawa sa garden nila. Malayo ang tingin niya at ako naman na parang bumubuntot sa kanya, siya ang tinitingnan.

"Christian," tawag ko sa kanya. Ngunit hindi niya ako marinig. Naisip ko na hawakan ang kanyang balikat ngunit...nagdadalawang-isip ako. Pero ito na nga. Hinawakan ko ang kanyang balikat sabay tawag sa kanyang pangalan. Napatingin siya sa akin. Ang tingin niya ay nakakalusaw.

"Ano iyon?" tanong niya sa akin.

"Alam mo, Christian," sabi ko sa kanya. "Sabi ng papa ko, pag malungkot ka, isipin mo lang na pansamantala lang ito, isipin mo lang na isa lang iyong masamang panaginip." Hindi pa rin nawala iyung lungkot niya. "Isipin mo iyung mga magaganda." Napaisip siya sandali. Unti-unti sa kanyang labi naaaninag ko ang kanyang ngiti.
"Christian, kung kailangan mo ng kaibigan at karamay nandito lang ako."

"Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko," ngumiti siya sa akin at ngayon ko lamang ang nakita ang ngiti niya na kami lamang dalawa at wala si Carmela. "Salamat kasi sinusubukan mong pagaanin ang loob ko."

"Walang anuman iyon, di ba, magkaibigan naman tayo," sabi ko sa kanya na may sagot rin na ngiti sa kanya.

"Ano pala ang course mo, Isabel?" tanong niya sa akin.

"Binabalak kong kumuha ng AB Mass Communication, Christian sa Ateneo," sagot ko naman sa kanya. Ngayon rin niya akong tinanong nang ganito.

"Ganoon ba," sagot naman niya. "Maganda iyan...gusto mong maging reporter or TV host?"

"Oo, dream job ko iyan, kahit alam ko sa sarili ko na mahiyain ako at hindi masyadong maganda." Nabigla ako nang...hinawakan niya ang kamay ko. Tumitig siya sa akin na parang mas lalo akong nalulusaw.

"Maganda ka," sabi niya sa akin. Ikinigulat ko ang sinabi niya sa akin at ang puso ko'y lalung tumitibok nang malakas. Ang mga katagang itong galing sa kanya, sa taong gustong-gusto ko, hindi ko inakala na kanyang sasabihin ito sa akin. "Maniwala ka lang sa sarili mo, Isabel. Walang mataas na bundok sa taong nangangarap." Parang lalong lumakas ang loob ko nang sinabi niya sa akin ang mga ito. Ito ang unang pagkakataon na may nakapagsabi nito sa akin at ito ay labis na ikinaliligaya ko.

"Salamat," sabi ko sa kanya. Nag-kwentuhan pa kami nang kahit ano tulad nang anong paboritong pagkain niya at iyung mga experiences namin sa high school hanggang sa gumabi na.

"Paalam na, Isabel," sabi niya sa akin nang inihatid niya ako sa bahay. "At salamat pala sa mga sinabi mo."

"Walang anuman iyon," sagot ko naman sa kanya. "Ako rin naman eh, magpapasalamat kasi pinalakas mo ang loob ko." Bumaba na ako sa kotse at saka nagpaalam ulit sa kanya. Nang makaalis na siya ay pumasok na ako sa gate ng mansion at saka pumasok sa loob ng bahay. At pagpasok ko sa loob...




"Carmela," nagulat ako sa aking nakita.

No comments:

Post a Comment