Wednesday, June 1, 2011

CHAPTER 35

"Christian!" tinawag ko siya pagka-labas niya sa arrival area. Dali-dali siyang lumingon at nang makita niya ako, nagbago ang hitsura niya. Parang matamlay pa rin siya at nag-aalala. Nilapitan niya ako.

"Isabel," bati niya sa akin. "Ikaw pala iyan?" Tiningnan niya ako at ako anma'y hindi makatingin ng diretso sa kanya. "Si Carmela, nakita na ba siya?" Nag-agam-agam akong sagutin ang tanong niyang iyan.

"Hindi pa eh," sagot ko sa kanya.

"Aah, ganun ba?" tumingin siya sa malayo. "Bakit ka pala nandito?" Hindi ako makasagot sa tanong niyang ito.

"Naisip ko kasi na...ito iyung ginagawa ni Carmela at ginagawa ko lang ito para sa kanya." Hindi siya makasagot sa sinabi ko bagkus nagwika siya.

"Nami-miss ko na si Carmela," sabi niya sa akin. "Sa araw-araw na iniisip ko kung anong nangyari sa kanya parang nanamlay ako."

"Christian, huwag mo munang isipin iyon," kinuha ko ang stroller sa likod niya. "Ang mahalaga makapagpahinga ka muna." Lumakad na kami. Pumara kami ng taxi at nang huminto ang taxi sa harap namin, bumukas ang cabin ng taxi. Kinuha ni Christian ang stroller at isinilid doon sa cabin.

"Mauna ka nang pumasok," sabi niya sa akin. Binuksan ko ang likod ng taxi at pumasok ako sa loob. Maya-maya ay pumasok na siya. "Boss, sa Greenhills Village," utos niya sa drayber. Umandar na ang taxi at papaalis na sa airport. Sa loob ng taxi, nakatingin lang si Christian sa bintana't walang imik habang binabaybay ng taxi ang daan papuntang Greenhills. Pagkatapos ng ilang minuto, sa wakas, narating na rin namin ang Greenhills. Tumigil kami sa bahay ni Christian at doon kami bumaba. Pumasok kami sa bahay niya kung saan nadatnan kami ng katulong niya.

"Sir," bati ng katulong niya. "Kumusta na po kayo?"

"Okay lang ako," sagot naman niya na gaya pa rin nung nasa airport pa kami ay matamlay pa rin siya. "Si Daddy?"

"Si Sir Frederico?" tanong ng katulong. "Nasa business trip po siya sa Malaysia."

"Aaah ganun ba," sabi niya. Kinuha ng maid ang stroller habang si Christian naman ay umupo sa sofa ng sala nila. Sinundan ko siya at umupo rin sa tabi niya. Pinikit niya ang kanyang mga mata at ang ulo niya ay nakasandal. Tiningnan ko siya ng maigi. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko para mapalapit ako sa kanya kahit sandali lang. Ito na ata ang pinakamagandang pagkakataon. Ngunit hindi ko alam kung ano ang gagawin.

"Christian," sabi ko sa kanya. "Aalis na ako." At nang ako ay tatayo na...




"Sandali lang," hinawakan niya ang kamay ko. "Dito ka lang."

No comments:

Post a Comment