Wednesday, May 25, 2011

CHAPTER 33

"Gus...to," ito na't sasabihin ko na. Tumingin ako sa kanya mata sa mata.

"Ano iyon?" tanong niya sa akin na lalong nagpakaba sa dibdib ko.

"Gusto ko sana malaman Carmela kung sino ka talaga at saan ka galing," sagot ko sa kanya. Hindi siya sumagot bagkus ay tahimik lamang siya at nag-iisip. "Kung ayaw mong sagutin, Carmela," sabi ko sa kanya upang mawala ang kanyang bagabag. "Huwag mo na lang sagutin." Tumayo ako. "Kukuha muna ako ng juice para sa atin," ako na ay papaalis nang...

"Sandali lang, Adrianne," pigil niya sa akin. "Dito ka muna, umupo ka muna sa tabi ko." Umupo ako ulit at malapit sa kanya. "Adrian, ang totoo nung una ay nagdadalawang-isip ako na sabihin ang tunay kong katauhan kasi akala ko baka kasabwat kayo ng taong dumukot sa akin. Ngunit nang makita kong hindi, natakot pa rin ako kasi nahihiya akong humingi ng tulong sa iyo."

"Naiintindihan ko," sagot ko sa kanya. "Sino ka ba talaga?" Nagdadalawang-isip siya ngunit...

"Ang tunay kong pangalan ay Carmela Eunice Garcia," pagtatapat niya sa akin. "Ang ama ko ay si Don Arturo Garcia."

"Ang ibig mong sabihin, mayaman ka."

"Oo parang ganun na nga," sabi niya sa akin.

"Paano ka napunta rito?"

"Nasa mall ako nung mga sandaling iyon," inalala niya ang lahat. "Lumabas ako galing CR tapos may isang tao ang nagtakip sa bibig at ilong ko at nakatulog ako." Kalungkutan ang bumabalot sa kanya habang ikinukwento niya sa akin ang nangyari sa kanya. "Pagkatapos noon, nakagising ako na naka-piring iyung mga mata ko at nakatali iyung dalawa kong kamay."

"Paano ka nakatakas?"

"Naramdaman kong may basag na salamin sa likod ko at ginamit ko iyon para putulin ang lubid," sagot niya sa akin. "Nang magawa ko iyon, inalis ko ang piring sa mga mata ko at saka tumakbo palayo. Ngunit dahil napagod na ako ay hindi ko namalayan na bumagsak na pala ako sa daan."

"Ang sama pala ng nangyari sa iyo," naawa ako sa kanya habang kinuwento niya sa akin iyon. "Huwag kang mag-alala, Carmela, bukas na bukas tutulungan kitang makauwi sa inyo. Saan ba ang inyo?"

"Sa Maynila."

"Sige, luluwas tayo."

"Salamat, Adrian," tumingin siya sa akin. "Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung wala ka." Ang mga salitang ito ang lalung nagpagalak sa puso ko.

"Walang anuman iyon," sagot ko sa kanya. "Ginagawa ko lang kung ano ang tama."

"Adrian, hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang ginawa mo sa akin pero balang-araw, mababayaran rin kita sa mga tulong na ginawa mo sa akin." Tumayo siya. "Bumalik na tayo sa gitna, mag-sayaw pa tayo." Tumayo na ako at sinamahan siya sa gitna upang magsayaw kami.

No comments:

Post a Comment