Thursday, May 19, 2011

CHAPTER 32

"Hindi ho," dali-daling sagot ko kay Aling Dionesia. "Kaibigan ko lang iyon...galing ng Maynila."

"Ahh ganun ba?" Nang makuha ko na ang damit ay nagpaalam na ako kay Aling Dionesia at umalis na agad.

"Eto iyung damit mo," sabi ko kay Carmela nang makita ko siya sa bahay.

"Salamat," sagot niya sa akin. Umakyat siya sa itaas upang tingnan ito sa salamin.

Kinabukasan, habang hinihintay ko na matapos magbihis si Carmela para sa sayawan, iniisip ko pa rin kung ano ang pakay ng taong iyon at bakit gusto niyang mawala si Carmela? Higit pa riyan, sino ba si Carmela? Ito ang mga tanong na naglalaro sa isipan ko at lubhang mahirap sagutin kung...di rin naman itatanong kay Carmela mismo. Ngunit papaano ko sisimulan? Ilang sandali pa, ang pintuan ng kwarto ay lumabas at isang dilag na diwata ang lumabas, si Carmela. "Ang ganda niya" Ito ang nasabi ko sa sarili ko pagkakita ko sa kanya.

"Bagay ba sa akin ang damit na ito?" tanong niya sa aming dalawa ni Michael.

"Oo ate, bagay na bagay," sagot ni Michael na namangha rin sa kanyang nakita. "Baka ikaw nga ang gawing reyna ng sayawan." Napangiti lamang siya. Nang papanhik na siya pababa, dali-dali ko siyang nilapitan at inalok ko ang aking kamay sa kanya. Para siyang prinsesa para sa akin. At hinawakan niya ang kamay ko.

"Salamat," ito lang ang sagot niya sa akin. Nang makababa na siya, binitawan ko ang kamay ko.

"Umalis na tayo," sabi ko. "Marahil ay nagsisimula na sila." Umalis kaming tatlo sa bahay at sumakay ng traysikle. Magkatabi kami ni Carmela sa upuan habang patungo roon. Kinakabahan ako na at parang hindi ko malaman kung bakit habang katabi ko siya. Pagkatapos ng ilang minuto, narating na rin namin ang plaza kung saan doon ginaganap ang sayawan. Lumabas kami sa traysikle at nagtungo na roon. Maraming tao sa plaza, matanda man at bata. Sa gitna ang sayawan habang sa paligid nama'y mga taong nagkakasiyahan. Tiningnan ko si Carmela at hinay-hinay ang kamay ko ay inalok ko sa kanya. "Carmela," tawag ko sa kanya.

"Ano iyon, Adrian?" tanong niya sa akin.

"Maari ba kitang maging kapareha sa sayawan?" Puno ng kaba ang dibdib ko habang inihintay ko ang sagot niya. Ngumiti siya ng saglit sa akin.

"Oo naman," hinawakan niya ang kamay ko at pumunta kami sa gitna. Humarap siya sa akin at nagkalapit kami. Ang kanang kamay niya ay inilagay niya sa aking likod habang ang aking kaliwang kamay naman sa kanyang baywang. Sumayaw kaming dalawa. Nawala ang kaba sa dibdib ko habang magkalapat ang dalawa naming kamay. Pakiramdam ko'y nawala at napalitan ng kagalakan. Maya-maya, tumigil kaming dalawa at pumunta kami sa gilid upang magpahinga.

"Ang galing mong sumayaw," sabi ko sa kanya.

"Hindi naman." Ngumiti siya sa akin at ako nama'y nagbalik ng ngiti sa kanya. Napatawa siya at sinabayan ko naman ang kanyang pagtawa. Hindi namin namalayan na ang kamay namin ay magkahawak. At nang napansin namin, tumigil kami sa pagtawa. Isang sandali ng katahimikan sa aming dalawa...at parang malalim na pag-iisip.

"Carmela," binasag ko ang katamikan. Kumakabog ang dibdib ko sa aking sasabihin. Dila ko'y namimilipit at tulak ng bibig sa gustong sabihin ng dibdib.

"Ano iyon, Adrianne." Naghihintay siya sa aking sasabihin para sa kanya.




"Gus...to," bahala na.

No comments:

Post a Comment