Wednesday, May 18, 2011

CHAPTER 31

"Salamat...Adrianne..." ito ang mga salitang narinig ko kay Carmela sa gabing ito. Pagkatapos nang lahat ng nangyari sa araw na ito, ang mga salitang ito na galing sa kanya ang nagpapagaaan sa akin. Ngumiti ako ng saglit.

"Walang anuman iyon," sagot ko naman sa kanya. Tumalikod ako at saka tuluyang umalis. Pumunta ako sa sala at doo'y humiga sa bangko. Pilit kong umidlip upang tuluyang matulog ngunit si Carmela ang naiisip ko. Bakit kaya napakagaan ng loob ko sa kanya? At sa bawat galaw niya, para akong kinakabahan sa kung ano ang mangyayari sa kanya. Dahil ba, bisita ko siya sa bahay ko o maganda siya? Malay ko ba... Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako...sa kakaiisip sa kanya.

Kinabukasan, habang nagluluto si Carmela at ako nama'y nasas likod niya, tinitingnan ko siya nang maigi. "Anong bang meron sa kanya?" tanong ko sa aking sarili. Bigla...ay nakaharap siya sa akin. Dali-dali kong naglipat ng tingin sa gilid para di niya mahalata. "Andyan ka na pala," sabi niya. Kinuha niya ang niluto niya at inihain ito sa mesa.

"Nandiyan ka na pala, Adrianne," sabi ni Carmela hawak-hawak ang niluluto niya. Inilapag niya ito sa hapag-kainan. "Kumain na tayo." Umupo ako at kaharap niya. "Si Michael pala?"

"Natutulog pa," sagot ko sa kanya.

"Ganun ba?" At bigla mayroon akong naalala.

"Mayroon palang sayawan bukas," sabi ko kay Carmela. "Gusto mong sumama?" Halatang parang may takot pa rin sa kanya. Marahil siguro ay dahil sa nangyari kahapon...na malapit na kaming mabaril ng lalaking humahabol kay Carmela. Naisip ko uli kung bakit si Carmela ay balak patayin ng taong iyon? Bakit? Ngunit naisip ko...sino ba talaga si Carmela? Saan siya galing? "Huwag ka na lang sumama kung ayaw mo."

"Gusto kong sumama, Adrian," biglang sabi niya sa akin na ikinagulat ko naman. "Kaya lang wala kasi akong maisusuot para sa sayawan."

"Huwag kang mag-alala," sagot ko sa kanya. "Manghihiram ako mamaya ng damit kay Aling Dionesia." Pagkatapos kong kumain, umalis na ako upang mag-araro sa bukid. At nang papalubog na ang araw ay umuwi na ako. Tumigil muna ako sa bahay ni Aling Dionesia upang manghiram ng damit para kay Carmela.





"Adrianne," tawag sa akin ng ale. "Kasintahan mo ba iyung babae nasa inyo ngayon?"

No comments:

Post a Comment