Friday, March 4, 2011

CHAPTER 30

"Ang gustong pumatay kay Carmela ay si..." ito na, sasabihin na niya. Kinakabahan ako sa kung ano ang sasabihin niya. At hindi ko rin maiaalis ang takot sa kung ano ang mangyayari ngayon. Ngunit nang kanyang sasabihin, isang ingay ang narinig namin. Ang ingay na iyon ay boses ng, hindi lang isang tao, kundi marami. At mula sa malayo ay may liwanag na parang paparating sa aming kinatatayuan. Dali-dali, itinago ng mama ang baril sa kanyang jacket. Pumasok siya sa kotse at dali-dali itong pinaandar at umalis.

Ilang sandali pa, dumating ang mga tao na may hawak-hawak na mga sulo. "May nangyari ba rito?" tanong ng isa. "Nagsumbong kasi si Michael na nawawala kayo."

"Si Michael?" tanong ko. "Saan po ba siya ngayon?"

"Nasa bahay ko siya, iha," sagot ng isang matandang lalaki.

"Halika na," sabi ni Adrianne. Umalis na kaming dalawa ni Adrianne at ganun na rin ang mga tao.

Pumunta kami sa bahay ng matanda kung saan si Michael ay namalagi. Pagdating namin doon, nakaupo lamang si Michael at tahimik lamang ito. Nilapitan ko si Michael. "Halika na, Michael, uwi na tayo, okay?" sabi ko sa bata.

"Ayoko," sagot niya. Marahil takot pa rin ito lalung-lalo na pagkakita kay Adrianne.

"Sige na, Michael," sabi ko sa kanya ulit. Pero parang ayaw eh...

"Michael," nagsalita si Adrianne. "Nakita ko na si Berting, nasa putikan lang iyon." Ngumiti sandali si Michael at bigla naman itong nangungunot ng noo. "Halika na," sabi ulit ni Adrianne. "Pinapatawad na kita."

"Talaga kuya?" tanong ni Michael na may ngiti sa labi niya.

"Oo, kaya halika na." Tumayo si Michael at lumapit sa kuya niya. Ako nama'y sinundan siya. Umuwi kaming tatlo sa kuba. Pagka-uwi, kumain si Michael at saka natulog. Ako nama'y dumungaw sa bintana. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Sino ang gustong gumawa nito sa akin at bakit, ano ang motibo niya. Sa gitna ng aking pagmumuni-muni, lumapit si Adrianne sa akin.

"Ano ba ang iniisip mo?" ang boses niyang napakalamig.

"Iniisip ko kasi iyung nangyari kanina..." sagot ko sa kanya.

"Huwag mo nang isipin iyon, Carmela," sabi niya. "Matulog ka na." Nang papaalis na siya...may bigla akong nasabi sa kanya.




"Salamat...Adrianne..."

No comments:

Post a Comment