Thursday, February 3, 2011

CHAPTER 29

"Sino po ba kayo?" tanong ko sa mama habang sinusubukan kong kumalas sa mga kamay niyang hinahawak ng mahigpit ang braso ko.

"Ikaw, si Carmela Garcia, di ba?" tanong niya sa akin.

"Papaano niyo nalaman ang pangalan ko?" at bigla kong naalala ang tinig niya - ang boses ng taong kumidnap sa akin.

"Kayo iyon!" napasigaw ako. "Kayo iyong kumidnap sa akin!" Wala siyang imik. Dali-dali siyang lumakad ng mabilis habang hawak-hawak ako sa braso.

"Bitawan niyo ako!" sabi ko sa kanya. "Tulong!" Dinala niya ako sa palapit sa isang kotse. Sumigaw uli ako.

"Bitawan mo siya!" sabi ng boses na iyon. Tumingin ako sa malapit at doo'y nakita ko si Adrianne. Tumakbo ito papalapit sa amin. Agad niyang kinalas ang kamay ng lalaki sa braso ko at sinuntok niya ang lalaki sa mukha. Napatumba ang lalaki sa lupa. Nilapitan ako ni Adrianne.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.

"Okay lang ako," sagot ko naman sa kanya. "Halika na, umalis na tayo." Ngunit nang papaalis na kami...

"Umalis kayo at puputukin ko ang baril ko sa inyo." Tumingin kami sa likuran at doon nakita namin ang lalaki, may hawak-hawak na baril at nakatutok sa aming dalawa.

"Dapat ko sanang ginawa ito," sabi niya.

"Maawa ka sa amin," sabi ko sa mama. "Ano ba ang ginawa ko?"

"Wala kang ginawa sa akin," sagot niya na ipinagtataka ko. "Ngunit sa nag-utos sa akin, meron." At nang ipuputok na niya ang baril...

"Sandali lang muna," sabi ni Adrianne. Nakatutok sa aming dalawa ang baril ng lalaki. "Bago mo patayin si Carmela at ako, sabihin mo muna sa amin..." natigilan siya sandali.

"Ano naman iyon?" tanong ng mama sa kanya.

"Sabihin mo sa amin kung sino ang may balak na ipapatay si Carmela?" Napangiti ang lalaki habang ang baril niya'y nakatutok sa amin. Kinakabahan ako sa mangyayari. Pero teka muna, tama naman si Adrianne. Gusto ko munang malaman kung sino ang may kagagawan nito. At bakit naman.

"Sige, sasabihin ko," sabi ng mama sa amin. "Ano nga naman ang silbe kung di ko sasabihin kung sino, eh, mabubura naman kayo sa mundong ito."

"Sino?" nagtanong si Adrianne.






"Ang gustong pumatay sa iyo Carmela ay si..." mula sa bibig ng lalaking iyon, sasabihin niya ang katotohanan.

No comments:

Post a Comment