Wednesday, January 26, 2011

CHAPTER 26

"Okay ka lang?" ito ang tanong ni Adrianne sa akin. Sinalo niya ako.

"Okay lang ako," sagot ko sa kanya. Tinulungan niya akong ibaba sa hagdanan. At nang makababa na kami...

"Maraming salamat."

"Basta okay ka lang," sagot niya. Tiningnan niya ang binti at paa ko. "Makakalakad ka na?"

"Oo eh kaya lang minsan masakit tapos nakita mo naman ang nangyari, nawawalan ako ng balanse."

"Ganun ba?" pinaupo niya ako sa bangko. "Dito ka na lang sa ibaba para hindi ka mahirapan." Umalis siya sandali at bumalik na may dala-dalang pagkain. "Pinaghanda pala kita ng agahan, Carmela...pagpasensyahan mo na..."

"Okay lang iyon, Adrianne," inihapag niya ang pagkain sa mesa. Kumain na rin ako habang siya naman ay nakaupo sa harapan ko.

"Adrianne," tawag ko sa kanya pagkatapos kong kumain.

"Ano iyon?" tanong niya sa akin. May gusto akong sabihin sa kanya. Ito na ata ang tamang panahon...

"Napakabuti mo sa akin, Adrianne," tiningnan ko siya mata sa mata. Ngumiti lamang siya sa akin at may sa mukha niya'y nababakas ang parang may pagka-mahiyain na lalaki. "Ngunit parang ayoko nang magsinungaling sa iyo eh..."

"Magsinungaling?" nagtataka siya. "Ano naman iyon?"

"Adrianne, ito kasi eh..." bahala na. At nang sasabihin ko na...

"Kuya," boses ng isang bata. Si Michael pala at parang ito ay hindi mapakali nang dumating ito sa bahay, humihingal at pawis na pawis. Ang bata, sa boses pa lamang, ay parang may sasabihin na hindi maganda. "Kuya, si Berting, iyung kalabaw natin."

"Anong nangyari kay Berting?!" Nagulat si Adrianne.

"Si Berting, kuya..." nauutal na si Michael.

"Sabihin mo, huwag kang mautal diyan!" tumaas ang boses ni Adrianne.






"Si Berting, kuya...NAWAWALA!"

No comments:

Post a Comment