Thursday, January 20, 2011

CHAPTER 25

Tinitingnan ko ng maigi si Adrianne. May naalala lang ako...isang tao. Ang ginagawa niya sa akin ngayon ay parang may nagpapaalala lang sa aking isang tao. Ngunit habang inaalala ko ang taong iyon, parang pinapigilan ako ng aking lungkot. Nang matapos na siya, umalis muna sandali si Adrianne para maghanap ng albularyo. Nakakahaya tuloy sa kanya na siya halos ang gumagawa nito, eh, ako naman ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa akin. Habang wala siya, pinipilit kong makagalaw kahit papaano ngunit nahihirapan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko...Gusto ko nang umalis rito para makapiling si Papa at si Christian ngunit...sa tuwing ako ay nagbabalak na aalis at sabihin lahat kay Adrianne, natatakot ako sa mga maaring mangyari. Baka makita ako ng kidnapper na dumukot sa akin at gagawin niya ang tangka sa akin. Madaling sabihin...mahirap gawin. Napakahirap...

Hindi nagtagal dumating si Adrianne kasama ang albularyo na kinuha niya para sa akin. Lumapit ang albularyo at nagpahid muna siya ng parang langis sa kanyang mga palad at dahan-dahan niyang ipinahid ito sa namamaga kong paa. Ang sakit naman! Tumagal din iyon ng halos ilang minuto at nang matapos na ay inaalis na niya ang kamay niya sa mga paa ko.

"Adrianne," nagwika ang albularyo. "Nagkapilay lang siya dahil na rin iyung hangin ay pumasok sa kalamnan sa binti niya." Tumingin si Adrianne sa akin at saka tumingin siya uli sa albularyo. "Buti pa'y kumuha ka ng dahon ng banaba tapos ito ay iyung painitan. Ilagay mo ito sa binti niya para lumabas ang hangin." Maya-maya pa'y umalis ang albularyo. Si Adrianne naman, ginawa ang pinagagawa sa kanya ng albularyo.

"Salamat," sabi ko sa kanya habang tinitingnan kong inilalagay niya sa binti ko ang dahon ng mainit na banaba.

"Walang anuman iyon," sagot niya sa akin. Umalis uli si Adrianne at nung bumalik siya ay dinalhan niya ako ng pagkain. Kinain ko ang dinala niya at nang matapos ako...

"Ang dami mo nang ginawa sa akin," nahihiyang sabi ko sa kanya. Tiningnan ko siya ngunit sa aki'y hindi siya makatingin.

"Walang anuman iyon," sagot niya sa akin habang nililigpit niya ang kinain ko. Tinitingnan ko siya ng maigi at naalala ko sa kanya ang isang tao. Nalungkot uli ako habang inaalala siya.

"Bakit malungkot ka diyan?" tanong ni Adrianne sa akin. Siguro'y napansin niya ang lungkot sa mukha ko.

"Wala eto. May naalala lang kasi ako..." sagot ko sa kanya.

"Ano naman ang inaalala mo?" tanong niya ulit. Nahihirapan kong sagutin ang tanong niya sa akin.

"Di bale na lang, huwag mo nang sagutin," sabi niya sa akin sabay alis niya. Nang makaalis na siya, unti-unti akong humiga sa sahig. Baka sakaling makakatulog ako kung nakahiga ako sa sahig. Dahan-dahan, ipinikit ko ang dalawa kong mga mata at nakatulog na rin ako. Idinilat ko ang aking dalawang mga mata...mula sa aking mahimbing na pagkakatulog. Umaga na pala...ang sinag ng araw ay nakapasok sa loob ng kubo. Dahan-dahan kong iginalaw ang binti at paa ko at unti-unti akong tumayo. Inihakbang ko ang isang binti ko at inihakbang ko ang isa, ang nagkaroon ng pilay. Sa kabutihang-palad, nagalaw ko naman ito ngunit hindi masyado tulad ng dati- andun pa rin naman ang sakit. Humakbang pa ako at humakbang papuntang hagdanan ngunit nang humakbang ako uli pababa ng hagdanan...





Hindi ko inaasahang nawalan ako ng balanse...

2 comments: