Wednesday, January 19, 2011

CHAPTER 24

"Umuulan..." Nabigla ako at di-mapakali, ganun na rin si Carmela. Hindi kasi sapat ang puno ng mangga na silungan naming dalawa kaya dali-dali kaming tumakbo paalis sa puno. Ang basket, naging pansamantalang payong naming dalawa. Tumakbo kami papunta sa isang maliit na kubo sa gitna rin ng bukid. Pumasok kami sa loob ng kubong iyon. Doon kami maghihintay na ang ulan ay titila na. Nang pagpasok namin sa loob ng kubo, ito'y lubhang napakadilim kaya binuksan namin ang bintana. Kitang-kita ko na malakas talaga ang ulan na ito at parang aantay pa kami ng gabi na tumila ito. Umupo ako sa isang parang kama habang siya'y tumitingin sa ulan. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang kanyang mukha habang tinatanaw niya sa bintana ang ulan. Ang buhok niyang basa at ang mukha niyang kasing ganda pa sa umaga. "Ang ganda niya," ito lamang ang nsasabi ko sa aking sarili. Pinagmasdan ko siya...hanggang sa...

"Titila pa ba itong ulan?" tanong na galing sa kanya sabay tingin sa akin. Bigla akong tumingin sa tabi ko baka naisip niya na tinitingnan ko siya.

"Hindi ko," agarang sagot ko sa kanya sabay tingin sa malayo. Tumingin siya uli sa bintana, sa labas.

Hindi naglaon ay tumigil na rin ang ulan. Lumabas na kami sa kubo at lumakad papunta sa amin. Dahil sa isang daan lamang ang papunta sa amin at sa bukid, iyun na lang din naman ang tinahak namin. Maputik ang daan na iyon. Naunang lumakad sa akin si Carmela...ngunit habang naglalakad kami sa putikan, nahihirapan siya. Kumakapit ang putik sa salawal niya at sa tsinelas.

"Ang putik naman rito!" ang nasabi niya tuloy hanggang sa siya ay...nadapa. Agad-agad akong lumakad papunta sa kanya, baka kung napaano siya.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Ngunit parang nahihirapan siya sa kanyang pagsagot. Ang tuhod niya yata ay nabali.

"Parang hindi," sagot niya sa akin. Nag-isip ako ng paraan.

"Makakalakad ka pa?" Sinubukan niyang tumayo ngunit sa pagtayo niya ay nadapa siya uli. "Huwag ka nang tumayo," sabi ko sa kanya. Lumapasay ako sa harap niya... "Sumakay ka sa likod ko." Ngunit parang nagdadalawang-isip siya. "Sige na, sumakay ka na." Dahan-dahan niyang inilagay ang kanyang mga braso at kamay sa akin mga balikat. Ganun na rin ang mga tuhod niya, sa mga braso ko. Pinawak ko sa kanya ang tsinelas niya.

"Salamat," parang nahihiyang pasasalamat niya sa akin habang naglalakad kami't nakasakay siya sa likod ko. Hindi ako makaimik dahil parang sa loob ko ay merong bumabagabag-parang kinakabahan. Malay ko kung ano ito ngunit kung nahihiya siya sa akin, ay parang ganun rin ang nararamdaman ko sa kanya.

Nang makauwi kami sa amin, dahan ko siyang ibinaba sa itaas ng aming bahay. "Dito ka lang," sabi ko sa kanya. Ikinuha ko siya ng bimpo at tubig sa palanggana. Inikyat ko ito sa itaas. Pinaupo ko siya ng tuwid at ipinahid ko sa kanya ang basang bimpo sa kanyang paa.

"Huwag na," sabi niya sa akin. "Ako na ang gagawa." Sabay paabot sa bimpong hawak-hawak ko.

"Hindi, mahihirapan ka lang kung ikaw ang gagawa nito." Hinayaan na lang niya ako. Ibinaba na lang niya ang mga braso niya at tinitingnan na lang niya ako.

No comments:

Post a Comment