Thursday, December 30, 2010

CHAPTER 22

"Carmela pala ang pangalan mo," sabi ko sa babae.

"Ate Carmela, ilang taon ka na po ba?" tanong ni Michael at isinubo ang pagkain sa bibig.

"18 lang ako," sagot niya. "Ikaw, Michael, ilang taon ka na ba?"

"8 po," ngumiti si Michael. "Si Kuya, 18 din."

"Ang mga magulang niyo pala, saan na sila?"

"Wala na sila," biglang sagot ko sa kanya. Nang marinig niya ang sagot ko, ang kanyang mukha'y biglang nalungkot.

"Ganun ba?" Nagpatuloy siya sa pagkain.

"Carmela," tawag ko sa kanya. "Pagkatapos mong kumain, dalhin kita doon sa health center para ipatingin ka doon." Ngunit wala siyang sagot bagkus nagpatuloy siya sa pagkain.

Nang makatapos na kaming kumain at magligpit, naghintay ako sa kanya upang makapaghanda. Ngunit...parang natagalan siya. "Ang tagal naman niya!" nasabi ko nang ako'y naiinip na kung ano ang kanyang ginagawa sa itaas. Pinuntahan ko siya doon.

"Hoy, bakit ang tagal mo?" tanong ko sa kanya.

"Kasi...wala kasi...akong maisusuot," sagot niya sa akin. Nakakainis naman oh. Nagmamadali ako upang hindi tanghaliin papunta doon sa health center. Malayo kasi iyon, mga 5 kms.

"Wala kang maisusuot?" tanong ko ulit sa kanya.

"Oo eh," sagot naman niya. Pumasok ako sa loob ng silid at pagkatapos, may hinalukat akong mga damit sa loob. Nang makita ko na ang mga damit, inilabas ko ito at ibinigay sa kanya.

"Eto," sabay abot sa damit na parang luma na. Para siyang nagdadalawang-isip na kunin iyong damit na iyon. Ngunit sa huli, kinuha niya. Lumabas muna ako at umupo sa silya. Ilang sandali pa'y nakalabas na siya suot-suot ang damit na ibinigay ko sa kanya. "Halikana," sambit ko sa kanya. Lumabas kami sa aming payag. Tinawag ko si Michael. "Michael," tawag ko sa kapatid ko.

"Ano iyon, kuya?" tanong niya mula sa likod-bahay.

"Alagaan mong mabuti si Berting, iyung kalabaw natin," utos ko sa kanya.

"Opo, kuya," sagot niya. Umalis na kami ni Carmela. Sumakay ng traysikle papunta sa health center na halos 1 oras mula sa amin. Sa health center, halos marami rin ang naroon upang magpatingin. Inabot kami ng 30 minuto bago makausap ang doktor. Tiningnan si Carmela ng doktor. Tiningnan niya ang mga pasa sa kanyang braso. Matapos ang ilang minuto, natapos na rin.

"Dok, ano sa tingin niyo?" tanong ko sa doktor.

"Okay naman siya. Baka lang siguro na-trauma siya." sagot niya sa akin. "Dapat siguro'y magpahinga muna siya."

"Ganun po ba?"

"At saka nga pala, dalhin mo siya muna sa mga pulis...kasi nawawala siya at tapos medico-legal ito." Umalis na kami ni Carmela at nagtungo sa prisentong-bayan kung saan nandoon ang mga pulis. Halos isang oras rin kami doon.

"Adrian, sa inyo muna ang babaeng iyan, habang hinahanap namin ang kaanak niyan," sabi ng pulis sa amin. "Baka galing sa Maynila iyan." Umalis na kami ni Carmela at bumalik sa amin. Nang malapit na ako sa amin, napansin kong ubos na pala ang pera ko sa pagpapatingin kay Carmela.

"Mang Jose, itabi niyo muna po," sabi ko sa traysikle drayber. "Kukuha muna ako ng pera sandali." Umalis ako sandali at iniwan muna si Carmela. Nang nasa harapan na ako sa amin...isang lalaking naka-jacket ng itim at ang suot niya ay maong ang nasa harapan ng bahay. Nakatalikod siya't nakaharap sa loob ng bahay. Nilapitan ko ang lalaki at tinanong...

"Mawalang-galang na po," bati ko sa lalaki. "Sino po ba ang hinahanap niyo?"

"M

No comments:

Post a Comment