Thursday, December 23, 2010

CHAPTER 20

"Carmela," tinawag ko ulit ang babae. Ngunit... nang humarap na siya sa akin, ako ay nagulat. Hindi pala si Carmela iyon, ibang tao pala iyon. "Sorry," ito na lang nasabi ko sa kanya. Bumalik na ako sa aking kotse, nalulungkot at parang ewan na rin. Hindi ko alam...ngunit wala na talaga. Hindi ko na ulit makikita si Carmela bago lamang ako umalis. Aalis na ako bukas at babalik sa San Francisco.

Nang makauwi na ako, dumiretso ako sa aking silid. Nagpahinga sandali. Pagkatapos makapagpahinga, kinuha ko na ang bagahe ko. Mag-iimpake ako para bukas. Habang nag-iimpake ako, iniisip ko kung magkikita pa ba kami bukas. Gusto ko sana na bago ako umalis ay nandoon siya...nagpapaalam sa kanya. Ngunit, hindi na ata iyon mangyayari sa amin. Nawawala pa siya at hindi pa nakikita. Mga damit at kakailanganin ko ang isinilid ko sa bagahe. At...isang larawan namin ni Carmela na kinuha namin noong nagkaroon kami ng isang field trip sa Tagaytay noong Fourth year high school. Hindi ko kayang ngumiti sa sandaling ito. It's breaking me... Nang makatapos akong mag-impake, nilagay ko ang bagahe sa may pintuan. Nagpalit ako ng damit, humiga at nakatulog na rin.

Nang umagang iyon, pagkatapos ko nang makapag-ayos, dinala ko ang bagahe sa ibaba, sa sala. Pinadala ko sa manong na maghahatid sa akin papuntang airport ang bagahe. Nagpaalam ako sa mga katulong at saka na rin aalis. Sumakay na ako sa kotse...at habang papaalis na ito at papunta sa airport, iniisip ko pa rin siya. Pinapasa-Diyos ko na ang lahat sa kanya...kung ano ang mangyayari. Umaasa ako na magkikita pa kami.

Sa wakas, narating na rin namin ang airport. Bumaba na ako at ibinaba ni manong ang bagahe ko. Nagpasalamat ako sa kanya at saka umalis. Pumasok na ako sa loob ng airport at pumunta sa departure area. Pina-check ko na ang bagahe, bumili ng ticket at saka na rin luminya sa immigration. Nang matapos magawa ko na ito, umupo ako sa departure area upang maghintay sa oras kung kailan aalis ako. Kinuha ko ang cell ko for the last time. Tatawagan ko mismo ang cellphone ni Carmela. Tinawagan ko siya ngunit ganoon pa rin - walang sumasagot.

Pagkatapos ng isang oras, pumasok na ako sa eroplano at umupo sa tabi ng bintana. Ilang sandali pa, nag-take off na ang eroplano, papalayo sa airport.

No comments:

Post a Comment