Wednesday, December 22, 2010

CHAPTER 19

Nawawala si Carmela. Nakakagulat...nakakabigla. Marahil, nagkamali lang ako sa aking nadinig.

"Anong sabi niyo?" tanong ko sa kanya.

"Nawawala si Carmela," sabi ni Tito Arturo. "Sabihin mo sa akin...nagkita ba kayo?"

"Hindi po siya dumating sa date namin," sagot ko sa kanya. Tumingin siya mata sa mata sa akin.

"Huwag kang magsinungaling!" direktang sabi niya sa akin.

"Hindi ho, totoo po ang mga sinasabi ko..." tumingin siya ulit sa akin.

"Ganun ba?" sabi niya sabay alis sa amin. Ako naman ay nasa sala ng aking bahay at umupo sa sofa. Nagulat ako sa nangyari...nawawala si Carmela at nababahala na rin. Nababahala ako sa nangyari sa kanya at hindi ko maiwasang mag-isip dahil nga sa panahong ito.

"Christian, mali ang iniisip mo," sabi ko sa aking sarili upang hindi kabahan. "Mahahanap rin nila sa Carmela...makikita nila." Paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko.

Lumipas ang isang araw at tinawagan ko ang bahay nilang Carmela. Nagbabaka-sakaling nakita na siya.

"Manang, nakita na po ba si Carmela," tanong ko sa katulong ng kanilang bahay. Sana nakita na siya. Hindi ko kaya...

"Patawad, iho, pero wala pa rin siya eh...hindi pa siya nakikita," sagot ng katulong na lubha ko nang kinakabahan. Nasaan na kaya si Carmela? Nasaan na ba siya? Parang hindi ako mapakali. Kinuha ko ang susi ng kotse ko, pumunta sa garahe at pinaandar ito. Umalis ako upang ako mismo ang maghanap kay Carmela.

Bumalik ako sa mall...sa lugar kung saan kami sana magkikita. Ngunit wala siya. Hinanap ko siya kahit saan sa mall ngunit wala pa rin. Pumunta ako sa mga police station at baka nakita siya ng mga pulis doon, ngunit kahit doon wala siya. Sa mga hospital rin ay pinuntahan ko baka sakaling naaksidente siya't napunta doon. Ngunit wala pa rin. Pinuntahan ko ang mga kaibigan namin at klasmeyt noong high school ngunit hindi ko siya nakita. Ayokong mawalan ng pag-asa...ayokong isipin na hindi ko siya makikita. Ngunit sa mga segundo at minutong lumipas at sa oras na dumadaan sa aking paghahanap, unti-unti na yata akong mawawalan ng pag-asa na makita siya bago lamang ako umalis pabalik sa Amerika. Habang ako ay nagmamaneho, naisipan kong tumigil muna. Gusto ko munang magpahinga at kumain dahil napagod ako at nagugutom na rin. Tumigil ako sa isang convenient store... kumuha ng instant noodles at dito kumain. Nang matapos akong kumain, lumabas na ako. Sa paglabas ko...ay isang babae ang nakita ko. Nakatalikod na siya at naglalakad. Ang buhok niya ay parang buhok ni Carmela at ang taas niya ay kasingtaas ni Carmela. Dali-dali akong lumakad at patakbo sa kanya at parang si Carmela ang nakikita ko.






"Carmela!" tawag ko sa kanya, sa babaeng nakatalikod.

No comments:

Post a Comment