Wednesday, December 8, 2010

CHAPTER 16

"Mahal kita," ito ang mga salitang narinig ko mula sa aking mama. Sa buong buhay ko ngayon ko lang narinig sa kanya ang mga salitang ito. Mahal kita...mahal kita...mahal kita. Ngunit sa mga oras na ito, dapat pa ba akong maniwala sa kanya?

Binuksan ko ang pinto at saka umalis sa kwarto ni mama. Iniwan ko siya mag-isa doon. Pumunta ako agad sa aking silid upang makapag-isa. Nalulungkot, nanlulumo at hindi ko alam ang gagawin. Sa silid ko, umupo ako sa kama ko...tumutulo ang aking luha mula sa aking mga mata. Unti-unti akong humiga sa aking kama at dito'y ibinuhos ko ang lahat hanggang sa ako'y nakatulog.

Gumising ako. Hapon na pala, mag-aalas dos ng hapon. Ngunit, ang mga bagay na nangyari kanina ang bigla kong naisip. Naisip ko tungkol kay Carmela, na ang aking ina ang nagpapatay sa kaniya. Naisip ko rin ang sinabi ng aking ina sa akin. Isusumbong ko ba siya sa mga pulis sa krimeng nagawa niya o hindi? Bumangon ako at umalis mula sa aking silid. Bumaba ako at doon ko nadatnan si mama na naghahanda ng pagkain. Kinabahan ako ng makita ko si Tito Arturo na naghahalo-halo ang emosyon niya dahil sa nangyari kay Carmela. Ngunit lalo akong kinabahan ng makita ko ang mga pulis. May dala-dala silang mga kagamitan dahil baka iyung mga kumidnap kay Carmela ay manghihingi ng ransom money. Hindi ako mapakali...at dahan-dahan lumapit ako sa hapag-kainan. Tumingin si mama sa akin. Ang tingin ba niya'y tingin na isumbong ko siya sa pulis o tingin na huwag kong siyang isumbong sa pulis? Nilapitan ni mama si Tito Arturo.

"Honey, kumain ka muna,"paanyaya ni mama na kumain sila.

"Mauna muna kayo," pagtanggi ni Tito Arturo sa alok ni mama na mag-tanghalian.

Lumapit si mama sa hapag-kainan, umupo at nagsimulang kumain samantalang ako naman tiningnan muna siyang kumain. Kalmado lamang ang kanyang galaw at parang hindi nag-aalala sa gagawin ko. Maya-maya, nagsimula na akong kumain. Nang matapos akong kumain, pumunta ako sa hardin namin upang doon ay mapag-isa. Iniisip ko iyung sabi sa akin ni mama... tama ba na nang dahil kay Carmela, hindi rin ako nagawang minahal ni Tito Arturo bilang isang anak? Tama rin ba na nang dahil kay Carmela ay hindi ako napalapit kay Christian? Hanggang sa naiisip ko...iyung sinabi ni mama sa akin...kung tama rin ba na ipagkanulo ko ang mama ko? Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip, isang lalaki ang tumawag sa akin.

"Miss," tawag ng isang lalaki sa akin. Lumingon ako sa kung saan nanggaling ang boses na iyon. Isang pulis ang tumawag sa akin! Malakas ang tibok ng puso ko sa kaba, pangamba at pagdadalawang-isip nang makita ko ang pulis. Nilapitan niya ako sa aking kinatatayuan. Halos hindi ako makagalaw nang magkalapit kami.

"Miss," sabi niya at ako ay nag-aagam-aagam. "Saan ba rito iyung CR niyo?"

"Sa loob, sa..." dali kong sagot sa kanya ngunit nauutal. "sa ibaba ng hagdan."

"Okay.Salamat," sagot niya. Nang papaalis na siya ay...






"Sandali muna!" sabi ko sa kanya. Lumingon muna siya sandali.




"May sasabihin ako..."

1 comment:

  1. I used to write stuff like this when I was still in High School. Too bad I don't have the time to do it now. But I like the way you write. :)

    Btw, I am a graduating student from UP Manila and I saw your post over at PEx on the blogs thread. I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

    http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

    Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks! :)

    ReplyDelete