Thursday, December 2, 2010

CHAPTER 15

"Oo, Isabel...pinapatay ko si Carmela," ito ang mga salitang narinig ko kay mama. Hinampas niya ang katotohanan sa akin. Nanlulumo ako at halos kakamuhian ko siya sa kanyang ginawa. Ngunit ang nagawa ko lamang ay lumuhod ako sa harapan niya, umiiyak.

"Hindi ako makapaniwala na kayang niyong gawin ito, mama," sabi ko sa kanya.

"Di ba kilala mo naman ako, gagawin ko ang lahat para sa pera," sabi niya sa akin. "At dapat lang...dahil anak kita."

"Huwag na huwag mo akong itulad sa iyo. Kailanman...hindi ako magiging tulad niyo."

"Ganun ba? Kung sabihin ko sa iyo...anak kita...dugo mo ay dugo ko. Ako ang nagluwal sa iyo sa mundong ito. Balang-araw, magagawa mo rin ang gagawin ko."

"Tumigil na kayo!!!"sigaw kong malakas. Unti-unti akong tumayo habang tinitingnan ko siya. Lumakad ako ng ilang hakbang at nang magkalapit na kami, kinuha ko ang braso niya. At lumakad papunta sa pintuan.

"Anong gagawin mo?" sigaw niya sa akin.

"Pupunta tayo sa pulis dahil ito ang tama!" sagot ko sa kanya. Binitawan niya ang kamay ko.

"Sarili mong ina, ipagkakanulo mo!"

"Ma, kayo ang mali. Ito ang tama."

"Tama?" napatawa siya sandali. "Tama ba nang dahil kay Carmela, hindi ka rin minahal ng Tito Arturo mo? Tama rin ba nang dahil kay Carmela, hindi kayo nakapaglapit ni Christian?" Wala akong imik sa sinabi niya. "Isabel, ang tama...hindi kailangan at kailanman maging tama. Ang mali...ay hindi kailangan at kailanman maging mali." Nakatayo ako at walang kibo. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Sana'y panaginip lamang ito.

Ilang minuto rin akong nakatayo. At sa bandang huli, sinubukan kong lumakad. Lumakad ako unti-unti. Para akong hinayaan ni mama na lumakad papunta sa pintuan. Hinawakan ko ang door knob ng pinto at unti-unti, bubuksan ko na ang pinto.

"Isabel...," tawag ni mama sa akin at lumingon ako sa kanya. "Kung ito ang tama para sa iyo...kung kaya mo akong isumbong sa pulis..." tumigil siya sandali. "Gawin mo!"
Hindi na ako umimik parang nakakapagod na ang araw na ito para sa akin. "Ngunit isipin mo, ganunpaman..."





"Mahal kita" ito ang sabi niya sa akin na parang sa puso ko ay yatang tumibok.

No comments:

Post a Comment