"May paraan pa para makuha ko ang yaman ng mga Garcia," nakipagkita ako kay Roger sa parehong lugar.
"Ano namang paraan ang naisip mo?" nagtataka si Roger.
"Naisip ko na...parang makuha ko ang kayamanan, dapat na yatang puksain ang mga balakid sa akin," sagot ko sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Dapat nang mawala si Carmela sa balat ng lupa!" agad na sagot ko sa kanya.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Rose?" tanong niya sa akin. Parang nag-aalinlangan siya.
"Oo, sigurado na ako. Pinag-isipan ko na ito kagabi pa." seryosong sagot ko sa kanya. "So, magkano ba para gawin mo ang ipagagawa ko? Name your price!"
"Hindi ka talaga nagbabago," sabi niya sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Gagawin mo kasi ang lahat...para sa kaligayahan mo! Kahit na may sinasaktan ka."
"Alam mo, Roger," sabay kuha ng cheke at bolpen sa bag ko. "Ako ay si Rose Fernandez, kaya kong gawin ang lahat para sa kayamanan! Anyway, may cheke ako rito, name your price kung magkano para gawin mo ang magagawa ko. Down payment pa lang ito pero kung magawa mo iyung pinapagawa ko...may final pay na ako." Hindi siya makaimik. "Limang daang libo piso," ako na ang nagbigay-halaga. "Ito muna ang paunang bayad ko." Sinulat ko ito sa cheke, nilagyan ng petsa, pinirmahan at saka ibinigay kay Roger.
"Nakita mo ba ang petsang nakalagay niyan?" Inilagay ko ang cheke at bolpen sa loob ng bag. "Gusto ko bago ang araw na iyan, wala na siya sa mundong ito." Tumingin siya sa cheke. "Naiintindihan mo ba?"
"Oo, naiintindihan ko," mababa at mabilis na tugon niya.
"At saka, gusto ko na...bigyan mo ako ng ebidensya na galing mula kay Carmela para maniwala akong ginawa mo ang pinapagawa ko."
"Sige," mabilis na sagot niya. Tumayo na ako sa aking kinauupuan at saka na umalis. Iniwan ko si Roger sa loob ng bar, nakaupo.
No comments:
Post a Comment