Wednesday, November 10, 2010

CHAPTER 8

"Honey, nasa..." hindi ko alam kung ano ang aking idadahilan. "Nasa bahay ako ng kaibigan ko." Pagsisinungaling ko sa kanya.

"Ano naman ang ginagawa mo sa bahay ng kaibigan mo?" tanong niya. Nag-iisip na naman ako ng aking idadahilan.

"Inaasikaso kasi namin ang mga plano namin para sa itatayo kong negosyo," sagot ko sa kanya at kinakabahan.

"Ganun ba?" sabi niya. "Tumawag nga pala si Atty. Reyes at sabi niya ay pumunta ka doon sa opisina niya."

"Oo pumunta ako doon kasi...gusto ko sana siyang imbitahin para sa isang hapunan," agarang sagot ko sa kanya.

"Aaah okay. Sige, umuwi ka na dito ngayon," sabi niya sa akin. At ibinaba na niya ang phone niya.

Pumasok na ako sa sasakyan at pinaandar na ito. Uuwi na ako dahil hinahanap na ako ng aking asawa. Mula Makati, nagmamaneho akong pauwi sa Rizal, sa mansyon. Nang marating ko na ang mansyon, itingil ko na ang sasakyan at saka lumabas. Pumasok na ako sa loob ng mansyon. Sa loob ng mansyon, nasa hapag-kainan na ang aking asawa, si Carmela at ang aking anak na si Isabel.

"Nandito ka na pala!" bati ng aking asawa sa akin. "Halika ka na rito, Rose. Kumain na tayo." Lumapit na ako sa hapag at bago pa ako umupo upang kumain, hinalikan ko ang aking asawa at nag-beso beso kay Carmela at Isabel. Nang makaupo'y nagsimula na kaming kumain.

"Kumusta naman ang pagpa-plano niyo ng iyong kaibigan sa inyong gagawin na negosyo?" tanong niya sa akin habang kami'y kumakain.

"Okay naman," agad kong sagot sa kanya. "Balak naming itayo ang negosyo as soon as possible."

"Ano nga bang negosyo iyan?"

"Napag-isipan namin ng aking kaibigan na...magtayo kami ng fashion and accessory shop."

"Ganun ba?" habang isinusubo niya ang pagkain sa bibig niya.

"Ganun na nga." sagot ko sa kanya.

Nang matapos kaming kumain, umakyat na ako sa itaas, sa silid naming mag-asawa upang makapagpalit ng damit. Habang nagpapalit ako ng damit, may kumatok sa pintuan.

"Tita Rose," tawag sa akin ng kumakatok sa pintuan. Kilala ko ang boses na iyon - galing kay Carmela.

"Mayroon po sana akong ibibigay sa inyo ni papa," sabi niya sa akin.

"Teka lang muna, iha," sagot ko sa kanya. "Nagpapalit pa kasi ako ng damit." Nang matapos na ako sa aking pagpapalit ng damit, tinawag ko si Carmela upang pumasok sa loob ng aming silid. Hawak-hawak niya ang parang dalawang kahon.

"Ito po iyong ibibigay ko po sa inyo," sabi niya sa akin sabay abot sa dalawang kahon.

"Ano ito?" binuksan ko ang loob ng box at iyon pala ay isang pabango.

"Pinabibigay po kasi iyan ni Policarpia sa inyo, iyung kaibigan ko," paliwanag niya sa akin.

"Sige, iha. Pakisabi mo sa kaibigan mo na...salamat."

"Okay po, ibigay niyo rin po iyung isa kay papa," sabi niya bago siya umalis. Nang makaalis na siya, inilagay ko ang mga pabango sa mesa at pagkatapos ay kinuha ko ang aking cellphone. Hinanap ko ang numero na ibinigay ni Roger sa akin. Ang numero ng abogado. Nang makita ko na ang numero ng abogado, tinawagan ko na ito.

"Hello," bati ng isang tao galing sa cellphone. "Who is this?"

"Hello. I am Rose Garcia," sagot ko sa kanya. "And I would like to ask for you service."

"May I know how did you get my number?" tanong niya sa akin dahil na rin sa hindi pa niya ako kilala.

"Kilala mo ba si Roger de Leon, galing sa kanya ang numerong ito?"

"Naiintindihan ko," sabi niya. "Anyway, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?"





"Tungkol sa inheritance."

No comments:

Post a Comment