Thursday, November 4, 2010

CHAPTER 7

Ni-lock ko ang sasakyan sa parking lot ng The Bar pagkatapos kong bumaba. Nang mai-lock ko na ito, lumakad ako papunta sa loob. Sumalubong sa akin ang waitress ng The Bar.

"Hello, maam, may I have your table?" tanong niya sa akin.

"Hindi na iyan kinakailangan," sagot ko sa kanya. "Saan ba ang table ni Mr. Roger de Leon?"

"Nandito po, maam," tinuro niya sa akin kung saan ang mesa ng aking makakatagpo.

Nang marating ko na ang mesa, umalis na ang waitress. Isang lalaki ang aking kakatagpuin. Nakaupo siya sa bandang kanan ng mesa at naghihintay. Simple lang ang kanyang pananamit.

"Kanina ka pa ba?" bati ko sa kanya sabay umupo, kaharap niya.

"Ano ba ang kailangan mo?" tanong niya sa akin. "Nagmamadali kasi ako ngayon."

"Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, may kilala ka bang abogado?"

"Abogado?" nagtatakang tanong niya.

"Oo, ganun nga. May kilala ka ba?"

"Meron," sagot niya. "Bakit para saan iyan?"

"May contact number ka ba niya?"

Dinukot niya ang kanyang cellphone mula sa bulsa niya. Tiningnan niya ito at hinanap ang contact ng hinahanap ko. Nang mahanap niya ito, ibinigay niya sa akin ang cellphone.

"Eto," sabi niya sabay abot sa cellhpone niya.

Nang makuha ko na ang cellhpone, kinuha ko ang cellphone. Saka ko rin, kinopya ang numero galing sa cellhpone niya.

"Para saan ba iyang abogado at parang kailangan mo ang serbisyo nito?" tanong niya sa akin.

"Wala ka nang pakialam doon!" maikling sagot ko sa kanya.

"Siguro, may problema kang legal?"

Tumingin ako sa kanya, mata sa mata.

"Wala ka nang pakialam doon," inulit ko ang aking mga sinabi. Tumigil na siya sa pagtatanong sa akin. "Anong pangalan ng abogado?" tanong ko sa kanya.

"Atty. Leonard Cruz," agad na sagot niya sa akin. Nang makuha ko na ang numero, ibinigay ko ulit ang cellphone sa kanya.

"Salamat ha." sabi niya. Ako ay tumayo na dahil gusto ko nang umalis. "Aalis ka na?"

"Oo. Aalis ka na. Tatawagan na lang kita kung kailangan kita."

"Ganun na lang ba iyon?" naiinis na boses niya. Kinuha ko ang wallet ko mula sa bulsa ko at kumuha ng pera mula sa loob nito. Inilatg ko ang P1,000 sa mesa.

"Ooh eto ang pera, kumain ka rito. Bayad ko na iyan sa pagpunta mo rito," at saka umalis na ako.

Nang papalabas na ako sa restawran at papunta sa aking kotse, biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ang aking cellphone at ang tumawag pala ay ang aking asawa. Sinagot ko ito.




"Rose, nasaan ka na?" tanong niya sa akin.

No comments:

Post a Comment