"Maam, I'm sorry pero wala pa po rito si Atty. Reyes," ito ang sagot sa akin ng secretary ng tanungin ko siya kung nandiyan ba ang abogado ng aking asawa. Gusto ko siyang makausap tungkol sa isang bagay - ang mana.
"Mga anong oras siya darating?" tanong ko sa sekretary.
"Maam, mga ala-una pa po ng hapon eh," sagot niya pagkatapos siyang tumingin sa computer. Tiningnan ko ang aking relo at 12:45 pa ng tanghali.
"Sige, iha, maghihintay muna ako rito," lumakad ako paalis sa mesa niya at umupo sa isang sofa katabi ng pintuan ng opisina ni Atty. Reyes. Habang nakaupo ako, iniisip ko ang tungkol sa mangyayari sa akin at sa amin ni Isabel. Iniisip ko ang pinag-usapan ng aking asawa ng kanyang abogado na ang tagapagmana ng kanyang kayamanan ay ang aking anak-anakan na si Carmela. Lahat ay sa kanya at sa amin ay ni isang duling lamang. Ako ba'y babalik mula sa aking pinanggalingan?
Dumating ang abogado ng mga ala-una.
"Sir, may naghahanap po sa inyo, asawa po ni Don Arturo Garcia," sabi ng sekretarya sa kanya. Tumingin ang abogado sa aking kinaroroonan. At ako ay tumayo, lumapit sa kanya.
"Magandang hapon po sa inyo, Gng. Rose Garcia," bati sa akin ng abogado na may dala-dalang briefcase.
"Magandang hapon din po"
"Kanina ka pa ba rito, Gng. Rose?" tanong niya sa akin. Lumakad siya sa papunta sa pinto ng kanyang opisina. Sinundan ko siya.
"Hindi naman sa ganoon," sagot ko sa kanya habang binubuksan niya ang pinto. Nang mabukas ito, pumasok siya at pinapasok niya ako. Lumakad kami papunta sa mesa niya at umupo ako sa silya habang siya'y umupo sa kanyang silya, kaharap ko.
"Ano ba ang maipaglilingkod ko sa iyo?" tanong niya sa akin. Inilatag niya ang briefcase sa mesa.
"Gusto ko sanang..." nagdadalawang-isip akong tanungin siya tungkol sa last will and testament ng aking asawa.
"Gusto niyo sanang...?" inulit niya ang sasabihin ko sanan. Kinakabahan ako sa sasabihin ko.
"Aaaah... Atty. Reyes, gusto ko sanang..." bahala na. Sasabihin ko na. "Imbitahin kayong maghapon sa amin bukas."
"Maghapunan bukas sa inyo?"
"Oo. Matagal na kasi kayong abogado ng asawa ko at kaibigan niya kaya kaibigan na rin ang turing ko sa inyo," sabi ko sa kanya.
"Ganun ba?" sabi niya. "Titingnan ko muna iyung schedule ko." Binuksan niya ang computer niya at tiningnan ang schedule niya. "Sorry, Gng. Rose ngunit...meron po kasi akong appointment bukas."
"Aaaah, ganun ba, Atty. Reyes."
"Pagpasensyahan niyo po...baka sa ibang araw na lang."
"Baka sa ibang araw nga..." kabadong sabi ko sa kanya. Nagpaalam ako kay Atty. Reyes at saka umalis sa opisina niya. Pumunta ako sa parking lot ng building at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Nang mabuksan at nakapasok na ako sa sasakyan, naiinis ako't tinanong ang sarili kung bakit tatanungin ko siya ng bigla-bigla. Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis mula sa building. Habang ako'y nag-dridrive, kinuha ko ang cellphone sa tabi ko at ipinasok ang earphone nito sa tenga ko. May tatawagan akong tao.
"Hello...magkita tayo sa The Bar. Ngayon mismo," bati ko sa kausap ko.
No comments:
Post a Comment