"Boyfriend?" tanong ko sa kanya.
"Oo, Boyfriend," sagot niya. Parang nagdadalawang-isip akong sagutin ang tanong niyang iyon kasi baka tutuksuhin niya ako kapag meron. Nahihiya kasi ako kapag sinabi kong meron. Pero hindi naman ibig sabihin nito na hindi ko proud na maging boyfriend si Christian. Malambing na tao at napaka-sweet, thoughtful. Di bale na lang...
"Oo, meron," sagot ko sa kanya. Nagulat siya sa sagot ko sa kanya. Iba ang reaksyon niya at napabuntong-hininga siya sa aking sagot sa kanya. Pero... naging mas usisyesera si Polly at tumabi siya sa akin.
"So, sino siya? I'm so eager to meet him!" naliligayahan siya talaga. "He is really lucky to have you kasi, you, Carmela, is one of the most popular girl in our batch." Na-flatter ako sa sinabi niya. Nagtanong siya ulit sa akin kung sino daw ang aking boyfriend.
"Si Christian," mabilis kong sagot sa kanya at marahil nasapol ng dalawang tenga niya ang sagot ko. Pero pagtingin ko sa kanya, parang mas lalo pa siyang na-shock.
"You mean, Christian John Smith, iyung class president natin," nabigla siya.
"Siya nga," sabi ko sa kanya.
"Wow, Carmela. Hindi ako makapaniwala na naging kayo na!" nagulat si Polly sa aking sinabi sa kanya. "Kasi dati-rati'y alam kong may gusto ka sa kanya."
"Ganun rin ako, hindi ako makapaniwala na gusto rin niya pala ako," sabi ko sa kanya na totoo naman din.
"Tell me, what's the story behind it? I wanna know," sabi niya na parang gustong-gusto niya malaman kung ano ang nangyari.
"Well, noong fourth year," nagsimula ako sa aking pagku-kwento. "Nagsimula na siyang nagparamdam sa akin. Noong Christmas, binigyan niya ako ng teddy bear - white at brown. Tapos nung Valentines naman, nagulat ako sa bouquet of roses na binigay niya sa akin."
"Wow, ang sweet niyo naman pala," sabi niya. "Sana pala ay hindi na ako umalis papuntang U.S." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Polly. Siguro nagsisisi iyon dahil hindi nakita iyon.
Ilang sandali pa, umalis na si Polly. Mayroon siyang aasikasuhing mahalaga. Hinatid ko siya sa labas ng aming gate. Nang makaalis na siya, sakay ang kanyang kotse, pumasok na ako sa loob ng bahay. Kinuha ko ang mga pasalubong ni Polly sa amin at umakyat sa itaas. Tamang-tama sa aking pagpanhik sa itaas, nakita ko si Isabel. Siya ay galing sa kanyang silid. Balak ko sana na siya'y puntahan upang maibigay ko sa kanya ang pasalubong ni Polly. Ngunit hindi ko nagawa...
No comments:
Post a Comment