"Ano iyon?" tanong ko kay Isabel. Marahil ay nagkamali lang ako sa pagdinig.
"Papaano kung...," uulitin niya ang tanong niya pero... "Kalimutan mo na ang tanong ko," sabi ni Isabel sa akin. "Pero salamat na rin na tutulungan mo ako kung may problema ako."
Umalis na siya at pumunta sa kanyang kwarto. Ako naman, nagdadalawang-isip kung tama ang narinig ko, bumaba na lang. Hindi ko na lang iyon iniisip baka marahil napagod lang iyon. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig sa water dispenser. Pagkatapos noon, ininom ko ang tubig at nilagay ang baso sa sink. Umakyat na ako sa taas, pumunta sa aking kwarto at nagpalit ng damit. Pagkatapos kong magpalit, humiga na ako, yakap-yakap ang teddy bear na bigay ni Christian. Hindi nagtagal nakatulog na ako.
Kinabukasan, nang magising ako, tiningnan ko ang Inbox ng aking cellphone. Baka nag-text si Christian. At meron ngang nag-text. Galing iyon kay Christian. "Good morning, Carmela," text niya sa akin kani-kanina lang. "Maganda ba ang tulog mo?" Ni-replayan ko siya. "Oo, maganda ang tulog ko" with matching smiley pa. Tumayo na ako at binuksan ang pinto. Lumabas ako ng aking silid at bumaba upang makakain ng agahan. Summer naman kasi ngayon at parang wala akong gagawin kundi matulog, kumain at maglakwatsa. Nakakapagod! Nang marating ko ang silid-kainan, nadatnan ko si Tita Rose. "Good morning, Tita Rose," bati ko sa kanya.
"Good morning din iha," bati niya sa akin. Umupo ako sa tapat niya.
"Tita Rose, nasaan po si Papa?" tanong ko sa kanya habang kumuha ako ng bread at butter.
"Ang papa mo? Umalis siya nang maaga. May aasikasuhin lang siya," sabi niya sa akin.
"Ganun po ba?" nasabi ko. Ang bait ni Tita Rose. Naging stepmother ko siya noong 12 years old pa lang ako. Okay naman ang pakikisama ko sa kanya. Napakabait at maalagain lalung-lalo na kay Papa. Mabuti at nandoon siya para kay Papa. Tumayo si Tita Rose.
"Iha, aalis muna ako dahil may aasikasuhin pa ako," sabi niya sa akin. "Bye."
"Bye rin, Tita," sabi ko sa kanya. Umalis na nga si Tita Rose.
Nagpatuloy ako sa aking pagkain ng agahan at nang matapos ako, dumiretso na ako sa sala upang magpahinga ng sandali. Binuksan ko ang TV at nanoood. "Maam Carmela, may naghahanap sa inyo," sabi ng katulong sa akin.
"Sino kaya iyon? Ang aga-aga naman," sabi ko. Lumabas ako sa gate at doon, may bisita nga. Hindi ko inaasahan ang kanyang pagdating.
"Hello Mel," bati ng bisita sa akin.
"Policarpia, ikaw ba iyan?" naninibago ako sa aking bisita na kaibigan ko na si Policarpia. Pumunta kasi siya sa States upang mag-aral. Hindi ko aakalain na ang best friend kong ito na dating katulad ni Isabel ay magbabago ng ganito. Napaka-sosyal niyang manamit at ang pananalita niya.
"Mel, its not Policarpia anymore," sabi niya sa akin. "It's Polly." Pinapasok ko siya sa loob ng bahay upang mag-usap kami at magkumustahan na rin. Ang tagal na rin kasi kaming huling nagkita, way back 3rd year high school. Nagsusulatan kami at noong na-diskubre namin ang YM, nag-chachat na lang kami. Umupo kami sa sofa ng sala at nagpatuloy sa aming pag-uusap.
"Nagbago ka na nga talaga," sabi ko sa kanya. "Pati pangalan mo, pinalitan mo na." sabi ko sa kanya.
"Well, time comes, people change. Pati name ko, pinalitan 'coz its so old at nahihirapan ang mga kakilala ko doon to pronounce it," sabi niya sa akin.
"Ooh, okay. Hindi mo kasi nabanggit iyan eh," sabi ko sa kanya. Tumingin-tingin sa paligid si Polly.
"So, how's life?" tanong niya sa akin.
"Okay naman. Nasa college ako, going second year taking AB Communications sa La Salle," sabi ko sa kanya.
"OOh, interesting. Pinagpatuloy mo talaga ang gusto mong maging reporter," sabi niya sa akin with a smile on her face.
"Ikaw, anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Well, good news," sabi niya sa akin. Nagtataka ako kung ano ang mabuting balita niya sa akin. "I am going to transfer here in the Philippines and take up Commerce sa La Salle rin."
"Wow! Nice," sabi ko sa kanya. Naligayahan ako sa balita niya sa akin na mag-aaral na siya rito sa Pilipinas. That means, magkakasama na kami sa iisang school.
"By the way, how's Tito Arturo, Tita Rose and Isabel?" tanong sa akin ni Polly. "I don't see them here."
"Hmmmm, si Papa umalis ng maaga then si Tita Rose, kanina pa umalis then si Isabel..." sagot ko sa kanya. "Natutulog pa."
"Oooh, hindi ko naabutan pala naabutan," dumukot siya sa bag niya. Kumuha siya ng tatlong perfumes - isang panlalaki at dalawang pambabae. "May pasalubong kasi ako sa kanila." Inilapag niya ito sa mesa.
Na-flatter ako sa ginawa ni Polly. May pasalubong siya kina Papa, Tita Rose at Isabel. Dumukot pa siya sa kanyang bag at kinuha ang isang musical box. "Well, Mel, ito iyong pasalubong ko sa iyo at siyempre, birthday gift ko rin sa iyo." At humingi siya ng tawad. "Sorry ha, hindi ako nakaabot sa birthday mo kasi na-book na nga ang ticket accidentally."
"That's okay," sabi ko sa kanya. Inilapag niya ang musical box sa mesa. Nagpatuloy kami sa pag-uusap hanggang sa napunta kami sa usapang-love life.
"May boyfriend ka na ba?" tanong sa akin ni Polly. Kinabahan ako sa kanyang tanong.
No comments:
Post a Comment