Tuesday, August 24, 2010

CHAPTER 3

Napaka-sigurista naman ni Papa - ito lang ang masasabi ko nang sinabi ni Papa na papayagan ako na lumabas kami ni Christian pero dapat may chaperon. Hello?! Ano naman ang gagawin namin ni Christian. Lumalabas tuloy na parang wala siyang tiwala kay Christian at parang bata pa ako sa paningin niya. Eighteen years old na ako! Hindi na ako bata.

"Mabuti nang makasiguro ako sa inyong dalawa. Sa panahon ngayon..." sabi ni Papa. "Mahirap magtiwala."

"Papa," sabi ko kay Papa. Si Christian ay walang imik. "Papa, gusto ko na kami lang dalawa ni Christian ang magkasama dahil date namin ito."

Sinagot naman ni Papa ang aking katwiran. "Carmela, gusto ko lang ma-protektahan kita. Wala kasi akong tiwala sa mga date-date na iyan." Tama nga ang hinala ko, wala ngang tiwala si Papa kay Christian.

"Okay lang, Carmela. Okay lang na may kasama tayo. May dala naman akong kotse," sabi ni Christian sa akin.

Nakita ni Papa si Isabel. May dala ito ng libro at baka pupunta ito sa hardin upang magbasa. Kinausap niya ito.

"Isabel, may gagawin ka ba ngayon?" tanong ni Papa kay Isabel. Parang balak niya na isama sa amin si Isabel.

"Wala po, Tito," sagot ni Isabel kay Papa.

"Mabuti. Samahan mo sina Christian at Carmela. Magde-date silang dalawa kaya gusto ko bantayan mo sila sa mga ginagawa nila, okay?" sabi ni Papa kay Isabel. Tila yata nabigla si Isabel at nahihiyang sumama sa amin.

"Huwag na lang po, Tito, nakakahiya," sagot ni Isabel kay Papa. Tumingin si Papa sa kanya nang sandali.

"Sige," sabi ni Papa. Akala ko, okay na ang lahat ngunit tinawag niya ang katulong. "Coring, ipatawag mo si Claudio, may ipagagawa ako sa kanya." Napakagat-labi ako kung sino ang tatawagin ni Papa. Si Manong Claudio. Noong unang nag-date kami sa bahay ni Christian, siya ang chaperon namin. Napaka-pakialameron noon.

"Papa," katwiran ko kay Papa. "Huwag"

Nang papaalis na ang katulong, may pumigil sa kanya. "Yaya Coring, huwag na po." Si Isabel ang pumigil. Kinausap niya si Papa. "Tito Arturo, ako na lang po ang sasama."

Kahit ayoko dahil ayokong may sumama sa amin, mas mabuti na siguro kung si Isabel ang maging chaperon namin kaysa naman kay Claudio.

Pinalapit siya ni Papa at may simpleng inutos na bantayan ang bawat kilos namin. Binigyan rin siya ng pera kung may gusto itong bilhin.

Nang matapos akong magbihis at mag-ayos, bumaba na ako sa salas kung saan naghihintay sina Christian at Isabel. "Halika na," sabi ko kay Christian. Inaya ko rin si Isabel. Lumabas kami ng bahay at pumasok kami sa kotse ni Christian na Sportscar na Red. Si Christian ang nasa driver's seat, si Isabel ay nasa likod habang ako naman ay nasa passenger's seat. Pinaandar ni Christian ang sasakyan at umalis na kami sa bahay.

"Kailan mo pa nabili itong sasakyan na ito?" tanong ko kay Christian habang nagdra-drive.

"Hindi ko ito binili," sagot ni Christian sa akin. "Binigay ito ni Papa." Napangiti ako sa sinabi niya. Habang nag-uusap kami ni Christian, napansin ko sa likod na si Isabel ay nagbabasa lamang ng libro kundi tumitingin sa bintana at parang malungkot.

Pagkatapos ng ilang minuto, narating namin aming papupuntahan. Isa pala iyong mall. Ipinark ni Christian ang sasakyan sa parking lot ng mall. Pagkatapos, sabay kaming lumabas sa kotse habang huli namang lumabas si Isabel. Nang makalabas na si Isabel, may dala pa itong libro.

"Iwan mo na iyang libro," sabi ni Christian sa kanya.

"Aah?" hindi niya marahil narinig ang sinabi ni Christian.

"Sabel, ang sabi ni Christian, iwan mo na iyang libro," sabi ko sa kanya. Iniwan naman niya ang libro at isinirado ang pintuan. Nang okay na ang lahat, pumasok kami sa mall.

Unang pinuntahan namin ay ang sinehan. Nang makabili kami ng ticket at ng pagkain, pumasok na kami sa loob. Umupo kami sa deluxe sa may likuran. Magkatabi kami ni Christian habang si Isabel ay katabi ko sa kanan. Romantic film ang pinapanood namin. Habang nanonood kami, hindi ko mapigilan na hawakan ang kamay niya. Pero siya na ang gumawa ng paraan. Dahan-dahan magkahawak kami ng kamay. At nang magkahawak kami ng kamay, nagtitigin kami ng sandali at pagkatapos, tumingin kami sa pinapanood namin.

Nang matapos kami sa aming panonood ng sinehan, tumayo na kami at umalis na. Pero hindi namin binitawan ang aming mga kamay. At sa paglalakad namin upang pumunta sa department store, magkahawak pa rin kami ng kamay. Si Isabel naman ay nasa likod.

Nang marating namin ang department store, pumunta kami sa lady's clothing. Gusto ko kasing bumili ng mga damit.

"Carmela, sandali lang ha," sabi niya sabay bitiw sa kamay ko. Umalis si Christian. Baka nahihiya iyon kung bakit nandito siya sa lady's clothing area. "Isabel, ano ang bagay sa akin? Itong Pink or Yellow?" tanong ko kay Isabel nang makakita ako ng dalawang damit at nagagandahan ako. Gusto kong itanong kung alin ang nababagay sa akin.

"Hindi ko alam," simpleng sagot niya. "Kahit anong damit, bagay naman sa iyo, eh. Dahil maganda ka."

Nagtataka ako sa sagot niya. Si Isabel kasi hindi siya ang tipo ng tao na fashionista. Ang pananamit niya ay simple at nagsasalamin siya. Matalino siya dahil noong High School, Valedictorian siya. Para sa akin, maganda naman siya. Nagtatago lamang sa salamin. "Aah okay," ito ang tanging sagot ko sa kanya. Ibinalik ko na lang ang dalawang damit kung saan sila nakalagay.

Ilang sandali pa, bumalik si Christian. "Saan ka ba nanggaling?" tanong ko sa kanya kaagad-kaagada pag lapit niya sa akin.

"Nag-CR lang ako," sagot niya. Pero hindi ako naniniwala.

"Sure ka?" tanong ko sa kanya dahil may instict ako.

"Oo. Bahala ka kung ayaw mong maniwala sa akin," sagot ni Christian sa akin.

Hindi ko na lang siya inusisa. Nakakapagod naman kung uusisain ko pa ang taong ito.

Nang makabili na ako ng damit at na-i-counter ko na, pinadala ko na kay Christian ang mga damit ko kasi nakakapagod naman kung ako, di ba? Wala akong care... dapat siya ang magdala. Pumunta kami sa isang Italian Restaurant at doon kami kumain ng aming hapunan. Nang matapos kami ng hapunan, pumunta kami sa parking lot dahil uuwi na kami. Pagkalapit ko sa sasakyan, may nakita akong isang bagay. Malaking bagay. Iyon pala ay isang puting teddy bear. Nakaupo ito sa front seat. Tumingin ako kay Christian at iyon pala ang dahilan kung bakit umalis siya sandali kanina. Ngumiti lamang siya sa kanya at pagkatingin ko sa kanya. Binuksan ko ang pinto ng passenger seat at doon ay nakita ko na para sa akin ito at galing kay Christian.

"Gusto ko sana pag gabi, iyan ang kayakap mo para maalala mo ako at nayayakap mo rin ako," sabi niya sa akin. Ang sweet ng taong ito. "Bakit ganyan ka ba kalambot gaya ng teddy bear na iyan?" sabi ko sa kanya. "Oo," sagot niya sa akin.

Nang makapasok na kaming lahat, pinaandar na ni Christian ang sasakyan. Nakaupo ako sa likod kasama ni Isabel. Umalis na kami ng mall. Habang nasa biyahe, napansin ko si Isabel. Tahimik pa rin siya gaya ng dati sa loob ng mall. Malalim yata ang iniisip nito at kanina pa. Baka nga may problema siya at kailangan niya ng kausap.

Pagkatapos ng ilang minuto, dumating na rin kami sa bahay sa wakas. Bumaba na ako at sa Isabel. Kinuha ko ang teddy bear at nagpasalamat ako kay Christian dahil sa ibinigay niya sa akin at ganoon na rin sa date. Pinasan ko ang teddy bear at pumasok na kaming dalawa ni Isabel. Nang makapasok kami ng bahay, pumunta kaagad ako sa kwarto upang ilagay ang teddy bear sa kama ko. Ang sarap tingnan naman. Humiga ako at niyakap ang teddy bear. Ang laki naman at napakasoft yakapin parang si Christian noong nagyakapan kami noong fourth year. Pagkatapos kong ma-hug ang teddy bear, bumangon ako.

Lumabas ako sandali at doon ay nakita ko si Isabel na hawak-hawak ang mga damit na binili niya. Ito na yata ang tamang panahon upang tanungin ko siya. "Isabel," tinawag ko siya.

"Oo, bakit? Ano iyon? " tumingin siya sa akin.

"May...pro...blema ka ba?" tanong ko sa kanya.

Tumigin lamang siya sa akin at nakangiti. "Wala," sagot niya sa akin.

"Aah. Okay. Akala ko meron kasi tahimik ka lang at malalim ang iniisip," sabi ko sa kanya.

"Aah," tumango na lamang siya.

Nang paalis na ako, tinawag ako ni Carmela. "Carmela," sabi niya.

"Ano iyon?" sagot ko sa kanya.

"Papaano kung may problema ako?" sabi ni Isabel sa akin.

Sinagot ko naman siya gaya ng isang kapamilya. "Tutulungan kita hanggang okay ka na."
















"Papaano kung... may gusto ako kay Christian?"

No comments:

Post a Comment