"Panaginip ba ito?" tanong ko sa aking sarili ng mga sandaling ito. Nakapikit ang aking mga mata habang ako ay hinalikan ni Christian. "Kasi parang ayoko nang magising kung panaginip ito," naramdaman kong hindi na magkadampi ang mga labi namin ni Christian. Dahan-dahan kong binukas ang aking mga mata at sa harap ko nakita ko si Christian. Halatang parang hindi makapaniwala sa ginawa niya.
"Sorry, pasensya mo ako na hinalikan kita. Hindi ko sinasadya," sabi niya sa akin. Hindi ko magawang magalit sa kanya kasi parang ako, nagustuhan ko rin ang halik niya. Ito ba ang feeling ng "First Kiss"? Napakagaan sa pakiramdam at caresses your heart. Ngunit kung sasagutin ko ba ang pasensya niya, hindi ko alam. Nakakahiya naman sigurong sabihin ay "huwag ka nang magpasensya kasi nagustuhan ko naman" at nakakawalang-galang naman kung "anong pasensya?! hindi ko gusto ang ginawa mo." Wala akong imik sa kanya hanggang sa siya ay dahan-dahang umalis.
"Christian," pinigilan ko siya at pagkatapos ay sinundan ko siya. "Okay lang iyon. Naiintindihan ko naman," sabi ko sa kanya upang huwag siyang magalit sa sarili niya. Hinawakan ko ang kamay niya. At umalis kami sa hardin nang magkasama.
Nang matapos ang party at nagpaalam na ang lahat kasama na rin si Christian, dumiretso ako sa kwarto ko upang magpahinga, magmuni-muni at siyempre, aalahanin ang moment na iyon. I've got a feeling of very much satisfaction at feeling ko nasungkit ko na ang lahat ng mga tala sa kalangitan. Humiga ako sa aking kama at tapos tumingin-tingin sa cellphone na nasa side table. Hinintay ko ang good night text niya sa akin.
Ilang sandali pa ay may nag-text. Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at binasa ang text message. "Carmela, Sweet Dreams, love Christian." Kinilig ako sa text niya at dali-daling kumuha ng unan at sumigaw ng malakas. Kinuha ko uli ang cellphone ko ni-replayan si Christian. "Sweet dream too, good night! love Carmela," text ko sa kanya. Pinikit ko ang aking mga mata at dito ay nakatulog ako.
Lumiwanag na ang gabi at isang magandang araw ang dumating. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Tumingin ako sa dingding at iniisip ko ang kahapon. Napaisip ako na baka si Christian na ang soul mate ko or true love or hulog ng langit sa akin. Nasa kanya na kasi ang hinahanap ko sa isang tao kung ako man ay mag-aasawa. Marahil ay we're meant to be. Bumangon ako sa kama ko at binukas ang pintuan. Lumabas ako at pumunta sa ibaba. Dumiretso ako sa hapag-kainan upang makakain ng agahan. Nadatnan ko sa hapag sina Papa, Tita Rose at si Isabel. As always, tahimik silang kumain. "Good morning, papa, Tita Rose, Isabel," bati ko sa kanila.
"Good morning, iha," bati ng aking ama sa akin. Umupo ako sa tabi ni Isabel at kumain ng agahan. Habang kumakain ako, tinanong ni Papa si Tita Rose kung nasaan ito kagabi. Nawala kasi si Tita Rose sa debut kaya ipanagtakhan ko ito.
"Arturo, may inaasikaso lang akong napaka-importante. Tungkol ito sa itinatayo kong negosyo, nagka-aberya lang," sagot ni Tita Rose kay Papa. May mga negosyo kasi si Tita Rose at maliliit lamang ito.
"Bakit di mo ipina-ubaya ang suliraning iyan sa sekretarya mo," sabi ni Papa kay Tita Rose.
"Hindi na kailangan. Gusto ko kasing ako na ang mag-asikaso ng mga pagmamay-ari ko," sagot ni Tita Rose habang ininom niya ang tsaa.
"Ikaw naman, Isabel, saan ka nanggaling? Nawala ka rin," tanong ni Papa kay Isabel, ang stepsister ko.
"Tito Arturo, nasa kwarto na po kasi ako. Nag-aaral lang para sa final exam namin," sagot ni Isabel. Napansin ko sa mga mata ni Isabel na parang namumula pero...hindi ko magawang maitanong sa kanya kung umiyak ba siya kagabi. Pinalampas ko na lang iyon.
Nang matapos ang aming agahan, bumalik uli ako sa kwarto ko at napansin ko na may nag-text sa aking cellphone. Iyun pala ay galing kay Christian. "Carmela, labas tayo," text niya sa akin. Sinagot ko naman siya. "Saan tayo pupunta?" Maya-maya ay nag-reply siya sa akin. "Kahit saan. Sa mall, sa park, sa restaurant kahit saang gusto mo, dadalhin kita doon." Sasama na sana ako pero...tingin ko ay hindi ako papayagan ni Papa. "Christian, huwag na lang. Hindi ako papayagan ni Papa," text ko sa kanya. Ngunit gusto ko talagang sumama sa kanya after ilang month na hindi kami nagkita. Gusto ko na mag-bonding kaming dalawa ngunit strict kasi si Papa.
Pinuntahan ko si Papa sa office niya. Nadatnan ko siyang nagbabasa ng diyaryo sa loob. Tinawag ko si Papa. "Papa," mahina kong pagtawag sa kanya.
"Ano iyon anak?" tanong ni Papa sa akin pansamantalang tinigil niya ang pagbabasa niya ng diyaryo.
"Papa, gusto ko sanang humingi ng pahintulot niyo," sabi ko sa kanya.
"Ano iyon?" tanong niya sa akin. KInakabahan ako kung ano ang sasabihin ko. Pero eto na nga.
"Papa, gusto ko sanang..." sasabihin ko sa kanya ngunit naputol dahil dumating ang katulong.
"Sir, nandito po si Sir Christian," sabi ng katulong kay Papa.
"Ano ang ginagawa niya rito?" tumayo si Papa at lumabas sa opisina niya. Sinundan ko siya hanggang sa sala kung saan nakita ko si Christian. Tingin ko pumunta siya rito upang humingi ng permiso kay Papa na lumabas kaming dalawa.
"Good morning, Sir," bati niya kay Papa. Matatakutin si Christian kay Papa dahil sa napaka-strikto niya at napaka-disiplinado ni Papa.
"Good morning rin. Bakit ka nandito? tanong ni Papa kay Christian.
"Sir," sagot ni Christian. "Gusto ko sanang ilabas si Carmela."
Dali-daling sinagot ni Papa ang paanyaya ni Christian. "Hindi maari." Hindi na nabigla si Christian sa sagot ni Papa dahil ilang ulit na siyang tinanggihan. "Kapag natupad mo na ang mga hangarin mo sa buhay, pag-iisipan ko pa." Aalis na si Papa subalit pinigilan siya ni Christian.
"Sir, payagan niyo po ako na ilabas ko si Carmela," nagmakaawa si Christian. Ngunit hindi dininig ni Papa ang pakiusap ni Christian. Imbes ay umalis siya. Naiwan na lang kami ni Christian sa sala.
"Christian, huwag na lang. Dito na lang tayo," sabi ko sa kanya.
"Hindi, Carmela. Gusto kong lumabas tayo gaya ng ginagawa ng iba. Gusto kong paligayahin kita," sabi niya.
Ilang sandali pa, bumalik si Papa. "Sige na, papayagan ko na kayo..." Ngumiti si Christian at ako rin. Ngunit... may dinagdag si Papa.
"Ngunit dapat may kasama sa date niyo," sabi ni Papa na ikinagulat namin.
No comments:
Post a Comment