Friday, June 25, 2010

CHAPTER 1

[Carmela's Narration]

Sa tugtog ng Blue Danube, sumayaw ako sa cotillion, sa iba't ibang kapareha. Nasa ikalabing-pitong kapareha na ako. Habang ako'y nagsasayaw, may iniisip ako. Kasama ng pag-iisip ko ay ang pagtataka at siguro ay pagtatanong. Bakit labing-pito lamang ang kapareha ko, eh, dapat ika-labing walo at last dance ko iyon. Sino kaya ang last dance ko? Biglang pumasok sa isipan ko si Christian, ang boyfriend ko for almost 2 years. We met at 3rd year high school. Noong una, hindi ko siya napapansin ngunit...hindi naglaon ay napansin ko siya. Gwapo, matalino at mabait, ganyan ko siya mailalarawan. Napaka-maalagain niyang boyfriend, napaka-sweet at very gentleman.

Nang matapos ako sa ikalabing-pitong kapareha, hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Ngunit isang lalaking naka-maskara ang lumapit sa akin. Naisip ko uli si Christian pagka-kita ko sa lalaki. Ngunit hindi naman, mangyaring pupunta si Christian galing sa States kasi may exam iyon. At saka iba ang pangangatawan ng lalaki kay Christian. Ang payat ni Christian samantalang ang lalaki ay hindi mataba ngunit hindi masyadong payat.

Inaya ng lalaking naka-maskara ang aking kamay upang kami ay sumayaw. Kahit ako ay nahihiwagaan sa kanyang pagkatao ganun na rin siguro ang mga bisita, tinanggap ko ang kanyang paanyaya. At nang magkadaupang-palad kami upang sumayaw, naramdam ko kung sino ang lalaking kaharap ko. Napatanong ako sa kanya. "Christian, ikaw ba iyan?" Ngunit ang tanging iginanti ng lalaki ay isang ngiti. Nang tumugtog ang musiko, nagsayaw kaming dalawa. Tiningnan niya ako mata sa mata. At tiningnan ko rin siya sa mata. Napakalalim ng kanyang mga mata at parang naliligayahan.

Nang matapos ang tugtugin, ang lalaking aking nakasayaw ay nagtanggal ng kanyang maskara. Napasigaw ako ng makita ko kung sino ang lalaking iyon... si Christian. Hindi ko akalain na pupunta siya rito at may pamaskara-maskara siya. Lalo siyang gumawapo at tumangkad. Nagbago na pala siya. Masaya ako at nakita ko siya after 8 months of separation. Sa tagal na iyon, pinagtibay namin ang aming relasyon. Lagi akong nag-eemail sa kanya, nag-tetext at tumatawag pag may oras. At ganun rin naman siya sa akin. Niyakap ko siya at pagkatapos bumitiw ako. Lumakad kami paalis at umupo sa isang tabi. "Miss na miss kita!" sabi ko sa kanya dahil totoo naman.

"Miss na miss rin kita," sagot niya sa akin. "Bumalik ako rito...upang maging last dance mo," sabi niya. Napahanga ako at kinikilig ako ng marining ko ito. Imagine, bumalik siya rito from US to be my last dance. Na-touch ako sa ginawa niya. Ngunit may isang bagay akong tinanong sa kanya.

"Paano na ang exam mo? Di ba, sabi mo, may exam ka pa kaya hindi ka makakabalik rito to be my last dance," tanong ko sa kanya.

"Gawa-gawa ko lang iyon," simple na nakakainis niyang sagot sa akin. Niloko lang niya ako. Pero on the other side, he done it just to surprise me, right? Tumingin si Cristian sa paligid. "Pumunta tayo sa garden, sa dati nating tagpuan," sabi niya sa akin. "May gusto sana akong ibigay sa iyo."

Umalis kami sa party at pumunta sa garden ng aming bahay. Ang aming tagpuan ay ang fountain. Dito kami palaging magkasama ni Christian pag nagde-date kami dahil strict si Papa. Ayaw niyang lumabas kaming dalawa at pumunta sa mga restaurants at mall na kaming dalawa lamang. Kaya dito na lang sa garden kami nag-dedate. Umupo kami sa isang bench at nagkatabihan kami. Ang ganda ng gabi. Ang buwan ay full moon kaya napakaliwanag samantalang ang mga bituin sa kalangitan ay nakikislapan.

"Carmela," tawag niya sa akin. Ang lalim ng boses niya at halatang seryoso.

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya.

"Mayroon sana akong ibibigay sa iyo," sabi niya sa akin. May dinukot siya sa kanyang bulsa. At ipinakita niya ito sa akin. Isang necklace. "Binili ko ito para lamang sa iyo. Gusto ko sanang isuot mo ito upang palagi mo akong maalala. Tumayo siya at isinuot sa akin ang kwintas. Pagkatapos, umupo siya uli at nakatingin sa akin. Tingnan niya ako ng maigi. "Alam mo,Carmela, mahal kita," sabi niya. "Gusto ko sana na...magkasama tayong dalawa, magkaroon ng pamilya, tumanda't magkaroon ng puting buhok. Saka na rin- magkaroon tayo ng maraming apo." Na-touch ako sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko akalain na sasabihin niya sa akin ito. Tumitig pa siya sa akin at tuluyan, suddenly...








Ang mga labi namin ay nagdampian. Hinalikan ako ni Christian.

No comments:

Post a Comment