Thursday, November 25, 2010

CHAPTER 13

Nagtataka ako sa aking mama kung bakit sa dis-oras ng gabi, umiinom siya ng red wine. At habang umiinom siya, halata sa kanyang kilos na maligaya siya. Unti-unti, nilapitan ko siya.

"Mama,"tawag ko sa kanya.

"Ano iyon, Isabel?" tanong niya sa akin. Hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung ano ang aking itatanong. "Isabel, kung wala kang sasabihin sa akin, mabuti pa, umalis ka na at inaaksaya mo ang panahon ko." Hindi ko magawang magtanong sa kanya. Bagkus umalis na lang ako.

Ang aking ina, simula pa noong bata pa ako, ganyan na siya sa akin. Parang ako ang sinisisi sa lahat ng nangyari sa kanya at kinamumuhian. Hindi ko alam kung bakit ngunit nasanay na ako. Wala akong kinagisnang ama. Hindi niya kailanman sinabi sa akin kung sino ang aking ama. Si Tito Arturo naman, dumating siya sa buhay namin noong ako ay 12 taong gulang pa. Seryoso siyang tao at hindi ko alam kung bakit nahulog ang loob niya sa mama ko. Ang mama ko naman, ginamit siya para umangat mula sa kinasasadlakan namin. Ganyan ang pagkatao ng aking mama-manggagamit. Ngunit ganun pa man, mahal ko pa rin ang aking ina.

Nang papanhik ako sa itaas, nakasalubong ko si Tito Arturo na parang kinakabahan at hindi mapakali. "Isabel," tawag niya sa akin at ang boses niya ay nanginginig.

"Ano po iyon, Tito?" tanong niya.

"Dumating na ba si Carmela?"

"Ho, si Carmela," sabi ko sa kanya. "Hindi pa po siya dumating."

"Ganun ba," bumaba pa siya sa hagdan. "Marahil siguro, nakalimutan nito kung anong oras na." Bumaba na siya at nasa sala. Ako naman, dumiretso ako sa aking silid at umupo sa aking kama. Nagtataka na rin ako kung bakit si Carmela...hindi pa dumarating. Hindi siya ganyang klaseng tao sa pagkakakilala ko. Mabait siya at masunurin lalung-lalo na kay Tito Arturo. Sabi niya ay magkikita sila ni Christian...ngunit alas-diyes na ay hindi pa sila dumadating. Humiga na ako sa kama ko at iniisip ko pa rin iyon hanggang sa nakatulog na ako.

Kinabukasan, nang gumising na ako, pumunta ako sa ibaba. Nagulat ako sa aking nakita. May mga pulis sa sala at isang lalaking naka-itim na jacket. Sa sala rin ay nandun sina Tito Arturo na mas seryoso mukha ngayon kaysa kahapon. Katabi niya si mama na umiiyak.

"Sir," tawag ng ng lalaking naka-jacket ng itim kay Tito Arturo. "Kailan po umalis ang biktima mula sa bahay niyo?"

"Mga alas-nuwebe pa ng umaga kahapon."

Tamang-tamang nakasalubong ko ang katulong sa itaas. "Manang, bakit po ba anung nangyayari rito?"






"Kasi po...ang kapatid niyong si Carmela ay...nawawala," sabi nya na ikinagulat ko.

11 comments:

  1. pag na publish mo na ung book gift mo nlng skin yan ehehe joke lng...

    ReplyDelete
  2. wow! dmi ng follower

    ReplyDelete
  3. at pataas na ng pataas ung ratings teka pnu b mag follow mag fofollow din ako

    ReplyDelete
  4. hehehe nice story ^_^ bukas na ung chapt 14 excited na ko

    ReplyDelete
  5. aja aja fighting! ken i know that you can do it more better hehehe

    ReplyDelete
  6. magugulat ka kung cnu ako? ehe gues who?

    ReplyDelete
  7. ako lng ata ung nagcocomment sau ah even the previous one ako din yun kya nga anonymous eh haha

    ReplyDelete
  8. n@ gu3$$ m0 n@ b@ kung Cnu ak0w??? w0w! n@g1ng j3jem0n @k0w @h 0u @k0w si j3j3m0n @h@ joke

    ReplyDelete