"Mabuti," sabi ni Rose matapos kong iputok ang baril. "Dalhin mo sa akin ang isa lang na palatandaan mula kay Carmela. Magkita tayo sa dati nating tagpuan." Ibinaba na niya ang cellphone. Kinuha ko mula kay Carmela ang kwintas sa leeg niya at saka lumakad palayo. Nang pumasok ako sa sasakyan ay tinitingnan ko siya bago ako umalis. Ilang sandali pa ay umalis na ako at pumunta sa tagpuan namin ni Rose.
Nang marating ko na ang tapuan namin, ipinarada ko na ang sasakyan, bumaba mula rito at saka pumasok sa loob ng bar. Nakita ko siya sa isang mesa, naka-shades at umupong parang galante. Nilapitan ko ang mesa niya at umupo ako kaharap niya.
"Ang galing mo!" ito ang sinabi niya pagkakita sa akin. Hindi ako maka-imik sa kanyang sinabi dahil nakakagulat. "Ginawa mo talaga ang ipinapagawa ko sa iyo."
"Eto na ang palatandaan na gusto mong ibigay ko sa iyo." Tiningnan niya ang palatandaan-isang kwintas.
"Eto nga." malalim na sagot niya. Ipinasok niya ang kwintas sa bag niya at mula rito may kinuha siyang isang cheke. Ibinigay niya sa akin ang cheke. Nakasulat sa cheke ang halaga ng isang pera.
"Limang milyon?" nagulat ako sa laki ng perang ibinigay niya.
"Oo, limang milyon," sabi niya. "Gusto ko, linisin mo ang kalat mo at kalat ko. Magpakalayo ka na rin."
"Saan naman ako pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Kahit saan! Anywhere." sabay tanggal sa shades niya. "Pwede kang pumunta doon sa Cebu, Davao o Batanes. Anywhere basta malayo rito."
"Ganun ba?"
"Ganun nga. At isama mo na rin ang buong pamilya mo. Magpakalayo-layo kayo. Pwede kayong mamuhay ng maginhawa dahil may pera ka." seryosong sabi niya.
"Tingin mo ba, ano ang gagawin ko sa perang ito?"
"Pwes, pag-aralin mo ang dalawang anak mo. Dalhin mo sa mga magagandang eskwelahan na mahal. Kumain kayo ng napakasarap na mahal at mag-suot kayo ng magagara na mahal." Wala akong imik sa mga sinasabi niya. "At isa pa pala, tumira kayo sa isang bahay na malaki na mahal." Isinuot niya ang shades. "Saan na nga pala siya ngayon?" tanong niya sa akin.
"Nasa warehouse."
"Okay. I want it clean," sabi niya sabay tayo. "Naiintindihan mo ba?"
"Oo, naiintindihan ko," Umalis na siya. At nang hindi ko na siya makita, tumayo na ako at umalis. Pumasok ako sa aking sasakyan, pinaandar ito at saka umalis mula sa bar. Habang nagmamaneho ako, iniisip ko ang sinabi ni Rose kanina. Limang milyon kasama na rin ang limang daang libo. Iniisip ko ang gagawin sa perang ito. Gagamitin ko ba sa pag-aaral ni Gerard na gustong makapagtapos ng hayskul at kumuha ng pagpi-piloto sa kolehiyo? Gagamitin ko rin ba ito sa pag-aaral ni Jeniffer na gustong makapagtapos ng elementarya, pumasok ng high school at sa kolehiyo ay kumuha ng nursing? Ang perang ito ba'y gagamitin ko upang kami'y magpakalayo-layo na, mamuhay na malayo sa squatter? Ito ang mga tanong mula sa aking isipan habang nagmamaneho ako...pabalik ng warehouse. Nang marating ko na ang warehouse at itinigil ang kotse. Lumabas ako at nakita ko ang isang tela at mga tali sa sahig.
"Nakatakas si Carmela." Dali-dali akong sumakay uli sa kotse, baka marahil hindi pa siya nakakalayo. Pinaandar ko ang sasakyan ko at saka nagmaneho. Hahanapin ko siya...
No comments:
Post a Comment