"Mabuti," ito ang sagot ni Rose sa akin. "Sasabihin ko sa iyo kung kailan at saan si Carmela bukas." Sinabi niya sa akin kung saan at kailan. "Areglado ba?"
"Areglado," mataimtim kong sagot.
Binaba ko na ang aking cellphone. Lumakad ako papunta sa aparador at saka binuksan ito. Nagpalit ako ng damit at naghahanda sa aking gagawin bukas." Alam ko sa sarili ko na mali ito...ngunit gagawin ko pa rin alang-alang kina Jennifer at Gerard.
Sa kalaliman ng gabi, nasa sala ako at handang-handa ng umalis. Ngunit bago ako umalis, pinuntahan ko ang silid ng aking dalawang anak. Natutulog sila sa banig. Gusto ko sanang magpaalam sa kanila...ngunit hindi ko nagawa. Bumalik ako sa sala at nag-iwan ng isang sulat sa hapag-kainan. Binuksan ko na ang pintuan, lumabas at muli ito isinarado. At umalis na ako.
Tiningan ko ang aking relo sa isang pinapaupahang sasakyan. Nakaupo ako sa driver's seat at may hinihintay na lumabas. Tiningnan ko ang aking relo at mag-aalas diyes na sa umaga. Habang naghihintay ako sa pagdating ni Carmela, iniisip ko muli sa sarili ko kung tama ba ang gagawin ko o hindi. Kung tama kaya ang gagawin ko, dahil para kina Gerard at Jennifer ito, siguro ay hindi ako mako-konsensya. Ngunit kung mali ito...hindi ko na siguro gagawin at umalis na lang. Nang makita ko si Carmela, tiningnan ko siya. "Bahala na," ito lang ang nasabi ko. Pumasok siya sa loob ng mall. Ipinark ko ang kotse ko sa likod ng mall at saka bumaba. Pumasok ako sa loob ng mall, sa entrance. Kinakabahan akong pumasok lalung-lalo nang makita ang mga security guards. Sinundan ko si Carmela hanggang sa pumunta siya sa CR. Hinintay ko siya sa labas ng CR. Mabuting-mabuti na walang masyadong tao pa. At nang makalabas na siya, nilapitan ko siya sa likod. At kinuha ko ang isang panyo at mula sa kanyang likuran, tinakip ko ang panyo sa bibig at ilong niya. Ilang sandali pa, para siyang nanghihina at nahilo. Bumagsak siya sa sahig. Inalis ko na ang panyo at binuhat ko siya. Habang buhat-buhat siya, pumasok ako sa fire exit kung saan may staircase ay bumaba ako. Lumabas ako sa pintuan ng fire exit sa ground floor. Doon nakaparada ang sasakyan ko at pagkatapos ay binuksan ko ang pintuan sa likuran, ipinasok si Carmela at saka isinirado. Pumasok ako sa pintuan sa may driver seat, umupo at isinirado ang pinto. Pinaandar ko na kaagad ang sasakyan at pumunta kami sa isang bandonadong warehouse na dati'y pagawaan ng salamin. Malayo sa siyudad sa Maynila ang nasabing warehouse at magiging ligtas ako kung dito ko siya iligpit. Inilabas ko siya mula sa sasakyan at itinali sa kamay at nilagyan ng piring sa mata. Tinawagan ko si Rose. "Nagawa ko na ang ipinapagawa mo sa akin," sabi ko sa kanya.
"Mabuti at nakidnap mo siya...ngayon naman, gusto kong mawala ang babaeng iyan sa mundong ito," sabi niya. "Ano pang iniintay mo? Gawin mo na!" Kinuha ko ang baril na nakatago sa ilalim ng driver's seat ng sasakyan. At pagkatapos inilagay ko ang magazine nito at saka ini-adjust ang sight nito. Unti-unti kong nilapitan si Carmela at tumigil ilang metro mula sa kanya. Itinutok ko sa kanya ang baril habang sa kaliwa ko naman hawak-hawak ang cellphone, kausap si Rose.
"Gawin mo na!" sabi niya. "Huwag mong kalimutan na magdala ka ng ebidensya."
Ipuputok ko na ang baril...
isa...
dalawa....
tatlo....at
ipinikit ko ang dalawang mata ko.
Isang ingay mula sa isang putok ng baril ang narinig ko.
No comments:
Post a Comment